FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Thursday, January 19, 2017
Ang Isang Naging Totoo
Di na yata ako marunong magsulat. Di na yata matagpuan ang mga salitang katulad dati ay sumusubok tumapat sa bawat nararamdaman ko. Di na yata makakayanang pantayan ng mga ideya ko sa kung ano mang gusto kong ekskatong iparating. Di na yata ganyan, ganito, pero susubukan ko.
Bukod sa Diyos, pamilya ko at konting totoong kaibigan, isa ka sa naging totoo. Hindi tayo perpekto, pero kahit sa away, kahit pa yata sumabog tayo pareho sa isa't isa, matapos ang ilang sandaling oras, babalik tayo sa katotohanang importante ka at importante ako. Na sa kada araw, sisiguraduhin mong may alam ako, sisiguraduhin mong kakayanin ko, at kung hindi, sisiguraduhin mong alam ko na nandyan ka, na di ako nag-iisa. Na sa kada pagkakataon, di mo ako hahayaang sumabay sa paglipas ng araw, na hindi mo ako hahayaang lipasan ng pagkakataon sa kada araw. Na sa kada problemang ipaparamdam sa akin ng buhay, kahit anong oras, kahit madaling araw, lalo sa oras na akala ko baka di ka makikinig, andun ka, andun ka pa din, andun ka lagi, at hindi ako hinahayaan. Na sa nakakalitong mundo, sinusubukan mong palinawin sa akin ang bagay-bagay. Na sa kada bibitawan ko, susubukan mong ikaw ang kumapit para sa akin, lalo para sa pangarap ko (Alam mo kung gaano ako nahirapan. Huhuhu) Na sa lahat ng 'to, isa ka sa totoo, laging totoo, malinaw, at di ako iniwan.
Salamat. <3
PS. Huhuhu! Thank you for always making sure I am okay, for always being with me, sa lahat nang paghatid mo sa akin sa bahay para di mahirapan nanay ko, sa lahat ng oras na ibibigay mo para sa akin, sa pagiging totoo lalo sa oras na ako mismo malilito sa emotions ko. Thank you for always listening lalo sa rants ko, at mas lalo sa paglilinaw sakin ng mga bagay. Higit pa sa lahat, thank you for loving me unconditionally, for not questioning me, and for whatever I'm going through, you always end it up with "Masaya na akong malaman na magiging okay ka" Huhuhu! I love you. :-*
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.