Tuesday, March 14, 2017

Ang Walang Mali Sa Pag-ibig


Pinalaya mo siya kahit hindi niya hiningi.
Ibinigay mo ang katotohanan sa kanya.
Ipinaramdam mo ang mga bagay na kailangan niyang harapin.
Napagod kang ilaban siya.

Pinalaya mo siya kasi yun ang sa tingin mong tama.
Ibinigay mo ang katotohanan sa kanya kasi alam mong karapatdapat niyang malaman ang totoo.
Ipinaramdam mo ang mga dapat niyang harapin dahil gusto mong maging matapang siya.
Napagod ka lang na ilaban siya dahil siya mismo di niya kayang ilaban yung sarili niya.

Walang mali sa pag-ibig mo.
Walang mali na minahal mo siya.
Walang mali na napagod ka lang.
Walang mali, maniwala ka sa akin, walang mali sa pag-ibig mo.

Di mo siya niloko. 
Wala kang naging iba.
Ibinigay mo ang katotohanan sa kanya dahil ganun mo siya nirerespeto.
Kinausap mo siya maigi para maintindihan niya kung paano magtatapos yung relasyon niyo pero alam ko sa panahon na yun, maging hanggang ngayon, di nagtatapos ang pag-ibig na meron ka para sa kanya. Ginusto mo lang piliin ang mga bagay na sa tingin mo ay tama. 

Para sa akin, ang tapang mo. Ang tapang ng pag-ibig na meron ka para sa kanya. Yung pag-ibig na kaya mo siyang palayain kasi sa tingin mo ikaw mismo di nakakatulong sa kanya para mas mapaunlad siya. Yung klase ng pag-ibig na nilaban mo ng matagal pero alam mong kailangan mong bitawan, kahit ayaw ng puso mo, kasi di mo na siya nakikitang nilalaban ang sarili niya. Yung pag-ibig na pinalaya mo pero di nagtapos. Yung pag-ibig na nawala lang yung "kayo" pero sa puso mo nananatili.

Paano mo siya napalaya kahit mahal na mahal mo siya?
Kasi mahal na mahal mo siya.

PS. Sabi sayo si RR na ang sagot. Chaaaar! Pero tandaan mo, may pag-ibig na nararapat para sayo, yung pag-ibig na pinaghahandaan ang kinabukasan, NAA. Andito kami para sayo. <3 Labyu, senior N.

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.