K lang naman talaga.
K lang din ako.
K lang kasi di natin alam lahat tayo namamatay paunti unti, kada araw na dumadaan. Na sa kada ihip ng hangin sa balat ko, baka huling pagdamdam na ng iba. Na sa bawat pagbigkas ko ng salita, ay pagtatapos na ng mga salita ng iba. Na sa pagtibok ng puso mo, baka maging huli na ng akin.
K lang pero sabay-sabay. Isang bagsakan na ibinibigay yung posibilidad na lahat ng 'to mamaya, bukas, sa makalawa o sa mga susunod pang mga araw, baka mawala, na baka ako mismo mawala.
K lang. Gustong gusto kong paniwalaan na okay lang talaga. Na kung mawala 'to bukas, ayos na ako. Na kung hanggang dito lang, ayos pa rin ako. Na kung mamaya tahimik na ang puso ko, ayos lang talaga ako.
Kaso bakit ganito? Bakit parang gusto kong humingi ng panahon? Bakit parang gusto kong magmakaawa ng pagkakataon? Bakit parang mauubusan ako ng oras? Bakit parang gustong gusto kong magsumamo na wag naman sanang matapos 'to dito?
K lang na habang nandito ako, nararamdaman ko yung pagtibok ng puso ko na tila ba dinadala ang katawan ko sa katotohanan na habang nandito, nandito, at kung huminto ang mahalaga nagkaroon ng pagkakataon na tumibok.
K lang na sa parang sugal na buhay at pag-ibig, kahit takot ka, pupusta ka. Na susugal ka kahit alam mong sa huli pwede kang matalo. Na itataya mo ang lahat hanggang kaya mo kasi, sa tingin mo, kahit gago ang sumugal, mas malaki yung kawalan ko kung hindi ako pupusta.
PS. Pwede bang maging totoo ako dito? Takot na takot ako. Lahat na sila di gumagana ng maayos. Hanggang kailan? K lang ba talaga?
March 20, 2018
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.