FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Sunday, August 11, 2019
Ang Pero
Di ko man sigurado yung mga bukas, ang alam ko ang gusto ko yung taong sigurado sa akin. Hindi yung gusto ako "pero" Hindi yung umpisa pa lang, alam kong mawawala na. Hindi yung di pa man nagsisimula, tinatapos na. Hindi yung talo na ako agad. Hindi yung di na ako pipiliin agad.
Sa tingin ko, karapatdapat naman ako.
Kaya baka ganito na lang, katulad ng panahon, papalipasin kita. Katulad ng pagkakataon, hahayaan kita. Katulad ng mga kanta, natatapos. Katulad ng hangin, baka naramdaman naman kita pero papabayaan kita sa himpapawid at ngingiti sa mga bagay na kaya mong abutin para di ako makasagabal. Katulad ng umpisa, biglaan, ganun na din lang natin 'to pabayaan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.