Monday, January 7, 2013

Ang Bag



Ang tagal na panahon kong inihanda ang sarili ko na maitindang muli. Andami na kasing nag may-ari sa akin, kaya medyo bulok na ako kung tutuusin. Inaantay ko yung taong kayang matuwa sa dumi ko, kayang tanggapin ang kabulukan ng luma kong puso. Dumating ka sa tamang panahon, sa tamang pagkakataon.  Dumating kang nakangiti sa tindahan. Ako agad ang iyong tinignan. Ang ganda ng ngiti mo. Ang ganda ng mga mata mo. Ang haba ng pilikmata mo. Hinawakan mo ako na tila ba hindi mo na ako papakawalan, sabay bulong "Mahal kita." Ang sarap sa pakiramdam na kahit gaano na ako kasira, kapalpak, may taong dumating na tinanggap ako ng buong buo, ikaw yun. Binili mo ako. Inalis mo ako sa tindahan ng nakalipas.

Lagi mo akong ginagamit. Lagi kang nakangiti habang hawak ako. Lagi kang nakayakap ng mahigpit na ayaw mo ng kaagaw sa akin. Masaya ako na madalas mo akong niyayakap, pero mas masaya akong lagi mo akong hinahalikan maging sa aking kakulangan.

May humawak lang na iba sa akin, binitawan mo na ako. Ibinaba mo ako at isinabit. Binuksan ng pagkalaki-laki. Isinigaw kong mahal kita. Hindi ako nahihiya kanino pa man sa kung anong meron ka. Akala ko papakinggan mo ako, pero unti-unti kang tumayo at iniwan akong nag-iisa. 

Sa tingin mo ba, sinadya kitang saktan? Sa tingin mo ba, gagawa ako ng bagay na mawawala yung tanging tao na gusto ko pang habambuhay? :'( Akala ko tanggap mo ang kapalpakan ko. Akala ko tanggap mo ang kadumihan ko. Akala ko tanggap mo ang masalimuot kong nakaraan. Pero kahit anong kapit ang gusto kong gawin sa mga palad mo, ikaw mismo ang naglalakad papalayo sa yakap ng haplos ko. 

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.