Ito ang malaking espasyong namamagitan sa atin ngayon, na dati'y wala naman. Ito yung mundong binuo natin, at ito din yung mundo na eksaktong sinusubukan mong kumawala ng paulit-ulit. Ito yung lugar na ang umaga ko'y nagsisimula sayo, pero ito din yung lugar na paulit-ulit mong pinapalipas ang oras para unahin ang madaming bagay bago mo ako maalala. Ito ang may gabing laging gusto kong tinatapos na kausap ka, pero ito din yung mga gabing kinakausap mo lang ako at biglang maglalaho para gumawa ng madami pang bagay.
Ito ako ngayon papalayo sa mundong binuo natin. Ito ako ngayon lumalayo sa mundong pinipilit mong bitawan. Siguro ako na lang, ako na lang yung lalayo para makabawas sa sakit na pwede kong maramdaman, para hanggang sa huli, iisipin ko na lang na ako ang sumira ng mundong binuo natin, na hanggang huli hindi mo ako iniwan, kahit na sa buong byahe nating magkasama, iniiwan mo ako ng iniiwan. Ako na lang ang babyahe palayo sa magandang mundo na kasama ka, kaysa makita ko ng paulit ulit kung gaano ka kasayang unahin ang mundong gusto mong buohin na walang ako.
Sa byahe kong 'to, mapupunta ako sa espasyo ng kawalan. Mapupunta ako sa himpapawid ng kalungkutan. Sana makahanap ako ng isang pagsabog sa kalawakan at makakita ng katulad mo pero sana yung pipiliin ako, at ako lang, yung di bubuo ng madami pang planeta kasi sapat na ako sa umaga, gabi at buong araw niya.
-Astronaut.
FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Thursday, February 28, 2013
Tuesday, February 26, 2013
Ang Kukumpleto
Tuldok ka lang. Para sayo, yun ka lang. Para sayo maliit na parte ka lang sa mundong magulo't maingay. Akala mo wala kang saysay. Tila ba para sayo, wala kang silbi kahit kanino man. Tingin mo na naubos na ang halaga mo sa kahit kanino man. Akala mo, mabubuo ang mundo ng wala ka. Yun ang akala mo, yun ang sa tingin mo, yun ang pagkakamali mo.
Tuldok ka. Maliit pero matibay. Simple pero kayang kaya mong baguhin ang takbo ng kahit anong istorya. Kaya mong tapusin ang lungkot at umpisahan ang ligaya. Kaya mo ang madaming bagay na hinding hindi mo inaakala dahil sa tingin mo tuldok ka lang na walang silbi, pero tandaan mo, sa kahit anong kwento, hinding hindi mabubuo kung wala ka. Lalo na sa kwento ko.
Tuldok ka. Maliit pero matibay. Simple pero kayang kaya mong baguhin ang takbo ng kahit anong istorya. Kaya mong tapusin ang lungkot at umpisahan ang ligaya. Kaya mo ang madaming bagay na hinding hindi mo inaakala dahil sa tingin mo tuldok ka lang na walang silbi, pero tandaan mo, sa kahit anong kwento, hinding hindi mabubuo kung wala ka. Lalo na sa kwento ko.
Subscribe to:
Posts (Atom)