Tuldok ka lang. Para sayo, yun ka lang. Para sayo maliit na parte ka lang sa mundong magulo't maingay. Akala mo wala kang saysay. Tila ba para sayo, wala kang silbi kahit kanino man. Tingin mo na naubos na ang halaga mo sa kahit kanino man. Akala mo, mabubuo ang mundo ng wala ka. Yun ang akala mo, yun ang sa tingin mo, yun ang pagkakamali mo.
Tuldok ka. Maliit pero matibay. Simple pero kayang kaya mong baguhin ang takbo ng kahit anong istorya. Kaya mong tapusin ang lungkot at umpisahan ang ligaya. Kaya mo ang madaming bagay na hinding hindi mo inaakala dahil sa tingin mo tuldok ka lang na walang silbi, pero tandaan mo, sa kahit anong kwento, hinding hindi mabubuo kung wala ka. Lalo na sa kwento ko.
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.