T to Ate E |
Wala e. Siguro napagod ako, siguro nagsawa din. Ewan ko. 0 na feelings ko para sayo. Hayaan na natin. Nandyan na. Hanggang dun lang siguro tayo. Kaya ko naman ng wala ka, edi sige na. Okay na 'to! Wag na nating ipilit pa.
T:
Alam ko darating ka sa punto na mapapagod ka sa akin, sa atin, hindi ko naman hinihiling na wag kang mapagod. Ang akin lang, 'pag napagod ka, magpahinga ka, pero wag naman sanang bibitawan mo yung kung anong meron tayo. Alam ko halos palpak ako, pero sana sa mga oras na palpak ako, dumating ka sa punto na mas pahalagahan mo yung mga konti kong nagawang tama. Ayokong maniwala na 0 na yung feelings mo sa akin, di ko gustong paniwalaan kasi alam ko, alam na alam kong may lugar pa ako dyan sa puso mo. Yun nga e, kaya mo ng wala ako, kaya ko din ng wala ka. Tinanong mo ba ako kung gusto kong mawala ka?
E:
Wag na lang. Ayaw ko na nga e.
T:
Ipaglalaban ko tayo. Ipaglalaban kita. Ipaglalaban ko, hindi ako magsasawa, hindi ako mapapagod. Papatunayan ko sayo na kahit ganito lang ako, kahit ganito lang yung kaya ko, buong buong buong buong puso ko naman yung kaya kong ibigay sayo.
Pero sa puso ni E, takot na takot siyang may mahalin na iba si T. Takot siya na mawala ng tuluyan si T, pero sa parehong pagkakataon, hindi niya alam paano hatakin pabalik si T.
Minsan kahit mahal natin yung isang tao, darating tayo sa punto na malilito tayo sa feelings natin. Minsan kahit mahal mo siya, mas madali na lang para sayong bitawan, kasi yun yung akala mong mas makakabuti sa oras na yun pero ang totoo, kahit sino sa atin, gusto lang ipaglaban. Gusto lang natin yung isang tao na yayakapin tayo kahit sa oras na wala na tayong maibigay. Gusto lang natin yung isang taong tatanggap sa atin, kahit wala na tayong magandang nagagawa. Gusto lang natin yung isang taong hindi natin kailangan magsalita, pero gagawa ng paraan para mapatunayan sayo na kakayanin ninyo pa, yung susubukang pawiin lahat ng pagdududa mo, kasi eksaktong naniniwala siya na kayo talaga yung para sa isa't isa. Gusto lang natin yung pag-ibig na walang kundisyon. Gusto lang natin yung pag-ibig na hindi namimili ng pagkakataon. Gusto lang natin yung pag-ibig na hindi lang sa salita, kasi gagawin niya ang lahat para maramdaman mo yun. Gusto lang natin yung isang tao na kahit ano pang mangyari, hindi magdadalawang isip na piliin tayo nang paulit ulit, araw-araw. At kapag nandyan na yung taong yun, wag mo nang papakawalan pa.
PS. Huhuhu! Alam ko Ate ELM, sasabihin mo sa akin na "Pakyu ka, Babs!" dahil sa blog na 'to pero feeling ko, feeling ko lang swak 'to. Mahal mo si TB, wag mo siyang tuluyang bitawan :) Baka oras mo naman na siya yung ipaglaban, kasi nakikita mo naman na hindi ka niya binitawan, di ka niya binibitawan at mukhang wala siyang planong bitawan ka, alam ko ikaw din. Wag ka nang mag-inarte dyan. I love you, Ateng! <3
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.