Sunday, June 29, 2014

Ang Pangalawang Pagkakataon


At sa unang pagkakataon, madami kang pinadaan na mga bagay, mga bagay na kinalimutang pahalagahan o hindi masyadong napahalagahan, may mga bagay kang hindi nagawa kahit na sa puso mo gustong gusto mong gawin, madami kang "sana" pero hinayaan mo lang dumaan ang oras para lamunin sa pagkalimot, madami kang "Mahal kita" na hindi nasambit kasi akala mo may bukas pa, madami kang yakap at halik na hindi naibigay, at may pagkakataong manghihina ka at hihiling na lang na sana matapos ang lahat, matapos yung buhay mong mahirap.

Sa parehong pagakataon, nung unti-unti kang nawawala na, nung unti-unti kang binibitawan ng panahon at pagkakataon, nung lahat ng tao akala mawawala ka na ng tuluyan, nung panahon na bigla mong pinagsisihan ang mga hindi mo nagawa higit pa sa nagawa mo, bigla kang hiling para sa mas mahabang oras kasama ang mga mahal mo, sa mas madami pang pagkakataon para magsabi ng "Mahal kita" at yumakap at humalik, sa mas panahon para di ka matuluyang mapunta sa pagkalimot, saka mo maiisip yung mga sinayang mong pagkakataon, saka mo gustong pahalagahan ang lahat ng mas matindi, saka mo hihiling sabay bulong sa hangin "Isa pang pagkakataon! Isa pa, at di ko na sasayangin!"

At nagkaroon ka ng pangalawang pagkakataon, wag mo ng hayaan, wag mo nang bitawan, alagaan mo, yakapin mo, kasi hindi lahat ng tao, magkakaroon ng isa pang pagkakataon.


PS. Cai, I'm really happy to know you're already doing fine! Praying for your fast recovery. See you when I see you, Doc!

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.