FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Thursday, September 18, 2014
Ang Namimiss
"Gumagawa ka lang ng rason para mainis sa kanya pero ang totoo, namimiss mo lang siya."
Siguro nga, pero siguro hindi na kami talaga ayos. Siguro kasi nagsasawa na siya. Siguro nagbago na talaga siya. Siguro kasi di na katulad ng dati. Siguro di na niya na-appreciate yung ginagawa ko para sa kanya. Siguro kasi malayo kami. Siguro kasi wala ako sa tabi niya. Siguro kasi di ako makakatulad ng iba na isang lingon niya, nandun na. Siguro kasi...
Baka nga, pero hindi. Alam kong hindi. Alam kong ayos kami. Alam kong hindi siya nagsasawa. Alam kong walang nagbago, kung meron man, yun yung bagay na mas nakilala namin isa't isa, at kung anong meron noon, mas naging matibay pa ngayon at lumalim. Alam ko kasi di na katulad ng dati, kasi kung anong meron ngayon, ito yung bagay na alam kong pipiliin namin araw-araw, hindi katulad ng dati na hindi pwede. Alam kong kahit yung pinakasimpleng ginagawa ko para sa kanya, kahit papaano, napapasaya siya, hindi man niya sinasabi, nararamdaman ko. Alam namin na malayo kami, alam kong malayo kami, pero kailanman hindi ito yung magiging rason para bitawan ko yung taong kayang kaya akong pasayahin, malayo man o malapit. Alam kong wala ako sa tabi niya, alam kong wala ako mismo sa gilid niya sa oras na gugustuhin niya, pero kailanman, hinding hindi ko hahayaang maramdaman niyang nag-iisa siya, kasi nandito lang ako, nandito lang.
Siguro nga gusto ko lang humanap ng rason para mainis sa kanya. Baka nga. Pero ito lang ang seryosong alam ko - Oo! Namimiss ko siya. Namimiss na talaga.
PS. I will never choose a life without you. I have chosen you before, and my heart chooses you now. I'm blessed to have this kind of love, Singkityyyy. I don't want to lose you. I'll always choose you.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.