FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Friday, August 29, 2014
Ang Espesyal Kahit Pang-ilan
Sa tingin mo, importante kung ilang beses yung taong nagmahal?
Hindi.
Sa tingin mo, importante kung pang ilan ka sa listahan ng mga minahal niya buhay niya?
Hindi.
Sa tingin mo, importante kung may mga minahal siya bago ikaw?
Hindi.
Ang wirdo naman para magbibigay ng panahon para sa ganyan.
Ang pag-ibig, parang pagkain. Isipin mo na lang, kung kumain ako sa umaga ng pagkain, ang sasabihin ba sa akin ng pagkain "Hindi na ako espesyal kasi ako yung pang 25,185th na pagkaing kinain mo sa buong buhay mo!"
Pwes, hindi ganun yun! Hindi ako pwedeng bumalik sa nakaraan para isuka lahat ng naunang pagkaing kinain ko bago ka, pero di ibig sabihin nun na hindi ka na espesyal.
Parang sa pag-ibig, hindi porke may nauna na akong mahalin, may nauna na akong nakasamang gawin ang mga bagay-bagay, may nauna na akong mayakap at halikan, hindi ibig sabihin nun na di ka na magiging espesyal. Kung tutuusin, espesyal ka higit sa iniisip mo dahil sa nakaraan ko, sa mga nangyari noon, sa mga minahal ko nun, ikaw yung pinili ko ngayon, hindi sila, hindi lahat ng mga nangyari noon. Ikaw. Ikaw. Ikaw.
Iba ka noon. Iba sila noon. Iba ako noon.
Iba ka. Iba sila. Iba ako.
Ibang panahon 'to.
Ibang pahina ng buhay ko.
Iba yung pakiramdam nung ikaw ang kasama ko.
Basta maniwala ka, iba 'to. Espesyal 'to higit pa sa naiisip mo.
Wala yan sa kung sino ang nauna, sino ang matagal, sino ang nasa nakaraan. Ang mahalaga yung kasama ko ngayon, yung gugustuhin kong makasama habambuhay. Ikaw. Ikaw. Ikaw.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.