Monday, August 18, 2014

Ang Mga Mag-aantay

Ayos naman ang lahat. Ordinaryo. Swak na sa pang-araw-araw. Tapos dumating ka, dumating ka ulit. Ngumiti ka, kasabay yung pag ngiti ko din pabalik sayo. Nag-usap tayo, nag-usap at hindi ko na hihilingin pang matapos 'to.

Nasanay na akong nandyan ka. Nasanay na akong nakakausap ka. Nasanay na akong malapit ka lang. Nasanay akong mag umpisa at magtapos yung araw ko na alam kong ilang araw na lang pwede kitang makasama. Nasanay na ako. Nasanay na pero kailangan mong umalis para sayo, para sa kinabukasan mo. Kaya nga ayoko e. Ayokong masanay, ayokong mahulog, ayoko, ayoko, ayoko! Kaya pinipigilan ko. Kaya ayokong hayaan kasi katulad nito, pwedeng matapos. Kaya katulad nito, matatapos na ba?

Sabi ko bawal ang lahat pero hindi nga pala nakakapili yung puso kung sino yung mamahalin nya, kung kailan siya magmamahal, at kung paano. Sabi ko, hindi ako pwedeng magmahal, kumplikado. Kumplikado lalo sa lagay natin. Hindi pwede. Hindi pwede, yun ang inisip ko, pero yung puso ko, hindi maturuan. Kaya pwede bang wag tayong matapos dito?

Kaya ganito na lang, ayokong matapos 'to. Handa akong mag-antay. Antayin natin yung panahon na yun. Aantayin natin yung panahon na para sa atin. Yung uupo na naman tayo, magkekwentuhan, ngingiting magkasama. Aantayin natin yung oras na sabay tayong manonood ng sine. Aantayin natin yung kwentuhang walang humpay at sana'y walang katapusan. Aantayin natin yung panahon na kapag lumingon tayo, alam nating nandyan ang isa't isa. Aantayin natin yung panahon na makakasama natin ang isa't isa uli. Ako, handa ako. Mag aantay ako dun sa oras na yun, alam kong ikaw din. Antayin natin yun na di man magkasama, pero sana walang iwanan.


PS. Bon Voyage, LG. Tandaan niyo ni JG, makakasama ulit ninyo ang isa't isa and it will be worth it. SepAnx lang pero kaya ninyo yan. Love knows no distance. 

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.