Monday, August 4, 2014

Ang Sukatan Sa Pag-ibig

Photo by Brian Magadia
Accounts: Facebook and Wordpress
Hindi masusukat ang pag-ibig sa panahon.
Nasusukat ang pag-ibig sa pagbabago, sa epekto.

Minsan yung pinakamatagal pa na relasyon ang nagbubunga ng halos walang kwentang paglago, habang ang pinakasandaling segundo na pagkakataon, yun pa yung magbabago sa buhay mo.

Nakakatawa man, pero alam kong alam mo, na madalas, kahit gaano mo na katagal kasama yung isang tao, meron at meron kang hinahanap, yung isang tao na halos nakilala mo lang sa pinakamabilis na panahon, pero sa di mo inaasahang dahilan, siya at siya yung iniisip mong makasama, siya at siya lang kahit sumubok kang magmahal ng madami pang iba. Siya lang.

Wala kasi yan sa panahon. Wala yan sa tagal. Wala yan sa kung gaano mo kadalas kasama yung tao. Wala yan sa kung paano mo nakilala yung isang tao. Kasi yung pag-ibig, yung totoong pag-ibig, yung pag-ibig na talagang nakalaan para sayo, kahit ano pang tanggi mo, kahit ano pang pagtakbo mo papalayo, kahit ano pang iwas mo, kahit sinubukan mong magmahal ng ibang tao, siya lang, siya pa din, siya lang talaga. Pinili mo man ang iba, pilitin mo mang magmahal ka ng iba, babalik at babalik ka dun sa taong kahit sandali pa lang, pero iba kasi yung epekto niya sayo.

Walang relo ang puso - hindi niya kinikilala ang panahon, wala siyang kinikilalang oras. Wala siyang pakielam sa kung gaano mo katagal kakilala ang isang tao. Wala siyang pakielam kung gaano mo katagal kasama ang isang tao. Ang kinikilala ng puso yung pagbabago, yung epekto, yung tindi ng epekto sayo. Yung kahit sa maikling panahon, buong buhay na siyang tatatak sa buhay at puso mo. 

<3

PS. Thanks for letting me use your photo, Bri. 

PPS. Brian Magadia is my friend. He captures great photos!! Do check his accounts -- Facebook and Wordpress.

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.