Sunday, December 31, 2017

Ang 2017





Di ko alam kung paano tamang simulan ang nagtapos na. Di ko alam kung paano ako hahanap ng mga tamang salita para sa nagpaalam na. Di ko alam kung paano nararapat na alalahanin yung dumaan na. 

Kaya ganito na lang:
Salamat, Panginoon.

Grabeeeee! Nung 2016, parang gumuho mundo ko lalo nung na-stroke yung tatay ko. Sabi ko, di ako uuwi hanggang di ko kasama tatay ko na umuwi. Kung ilang araw sya sa ospital, ganun din yung araw na nandun ako. Habang buong pamilya ko, umiiyak, kailangan maging malakas ako, lalo para sa Mama ko, mga kapatid ko, lalo kay Papa. Di ko gets pero sabi ko may rason yun. Sa parehong taon, iniwan ako at nilalaban ko yung Clerkship pero hello, unli removals. Yung naiba lang, pinagdasal at nilaban ko ng todo yung Clerkship. Di ko alam paano magiging okay, pero kaya pala nangyari yun dahil may mga rason. Salamat sa mga rason, Lord. Kakaiba.

Nagsimula yung 2017 na naka-V neck ako sa ospital kasi di ko akalain na magiging Clerk ako. Kasama si Chaar (yung bestie ko sa Med school), nagsimula yung pagduduty ko kasama ang mga bagong mga kagrupo (Quatro) at ang ibang seniors namin. Takot na takot ako. Di ko alam kung kakayanin ko kasi feeling ko kulang ako sa alam kaya sabi ko sa sarili ko lahat nung kakulangan ko, pupunan ko ng kasipagan at walang pagod na pagtatanong para matuto ako. Di ko alam mag-IV, NGT, Foley Cath at lahat ng iba pa. Totoo lang, ni hindi ako marunong mag-BP nung simula. Pero nagtapos lahat. Natapos yung buong taon na hindi ako nag-absent, na lahat ng code, kahit pagod na ako, bibigyan natin ng magandang laban sa buhay, na lahat ng kakayanin ko, gagawin ko at yung di ko alam, susubukan kong alamin.

Sa dami ng nakasama ko sa Clerkship, di ko alam paano iisa isahin pero salamat Quatro, Manus Vita, mga seniors namin noon, baby JIs, residents, consultants, departments, nurses, kuyas at ates at sa restaurants na open para busugin kami while on duty.

Sobrang sarap balikan kahit tapos na.
Sobrang sarap alalahanin kahit wala na.

Salamat Lord. Ikaw lahat ng ‘to.

Happy new year sa lahat! <3

PS
Hello, 2018. 
Kinakabahan na naman ako sa bagong simula pero willing akong magsimula ng paulit-ulit.
Naeexcite na din ako sa graduation, Manus Vita. Congrats sa atin!

Tuesday, December 26, 2017

Ang Pang-Habambuhay



Sa byahe ng buhay mo, ang daming beses kang nagmahal. Iba’t ibang pag-ibig, sa iba’t ibang tao pero lahat totoo, lahat seryoso, lahat inakala mong sila na ang makakasama mo sa pang habambuhay, sana, malaking sana noon pero hindi. Hindi nangyari.

Paulit-ulit. Di ka napagod.
Umibig ka. Nasaktan ka. Umiyak. Humagulgol. Naghabol. Nagtanong. Nagparaya. Naghilom. Nagmahal muli.

Nagmahal ka ulit.
Paulit ulit. Di ka napagod. 
Di ka napagod na sa dulo darating yung pag-ibig na para sa iyo.

Pinagdasal mo.
Paulit ulit. Di ka napagod.
Di ka napagod na sa pagdarasal mo, maririnig ka ng Diyos at ibibigay ang taong para sa iyo.

At dumating siya.
Siya na ipinagdasal ka din.
Siya na hindi lang tinumbasan ang pag-ibig mo, ibinigay pa sayo ang lahat ng pag-ibig nya.
Siya na hindi ka iniwan, pinanindigan ka pa.
Siya na hindi lang humawak sa kamay mo, sinigurado nya pang malaman mo na kahit kailan di ka nag-iisa.
Siya na di lang salita ang “Mahal kita” kasi ipinakita nya, ipinaramdam nya.
Siya na kaya pala di ka pwede sa ibang tao, kasi sa kanya ka lang pala dapat.
Siya na tinanggap ka ng buong buo, ang nakaraan mo, ang kasalukuyan at sasamahan kang harapin ang mga kinabukasan.
Siya na sasamahan ka araw-araw, pang habambuhay.

At sa pang habambuhay, hindi matatapos ang kwento ng pag-ibig ninyo.
At sa pang habambuhay, di ka na muling mag-iisa
At sa pang habambuhay, may taong papanindigan ka.
At sa pang habambuhay, hindi ka na mag-iisip kung sa susunod na mga araw mawawala na ang lahat.
At sa pang habambuhay, di matatapos ang “Mahal kita”
At sa pang habambuhay, kayo.
Kayong dalawa.


PS
Poks, you know that I love you so much and I am so happy to have witnessed your wedding. I felt the love, Poks. Simple pero totoo. Di kumplikado. Di mahirap. Yung pag-ibig na pinanindigan ka nung di ka kinayang panindigan ng iba. I am truly happy for you, my dearest Poksy. I will still be here for you, always.

PPS
Tongue in a lung, kuma-crying session na naman tuloy ako. Sarap ng pag-ibig❤️ Sa tamang oras at tamang tao, magiging handa ulit ako, pangako. Di din ako mapapagod.

Monday, December 25, 2017

Ang Sana Tumugma


Sa paglipas ng araw, parang hinahanap ko yung pagkutitap mo, kada araw iba pero pareparehong napapasaya ako. Di ko napansin na unti-unti kang nagiging parte nung buhay ko. 

Totoo lang minsan malabo ka, madalas magulo ka, minsan di kita matignan ng derecho pero sa parehong pagkakataon gusto din pala kitang makita.

Kapag tugma na ang mga salita ko, sa iyo.
Kapag tugma na ang tugtugin nating dalawa.
Kapag tugma na ang kabog ng dibdib.
Kapag tugma na ang lahat, sa iyo ko lang gugustuhing tumugmang muli. 
Sayo lang, wala ng iba.
Sa tamang oras.
Sa oras na tutugma tayo.

Sana tumugma.

Kung hindi man, napasaya mo ako.
Kung hindi man, pinakilig mo ako.
Kung hindi man, salamat kasi sinamahan mo ako sa konting byahe na meron tayo.

PS
Merry Christmas everyone! <3
Tandaan natin, sa Diyos galing ang lahat ng pagtutugma at hindi pagtugma. Kahit ano pa man, alam Niya ang nararapat sa atin.
Happy birthday, my Lord.

Thursday, December 14, 2017

Ang Pwede Ba Talaga Yun?

Pwede ba talaga yun?
Pwede ba talagang malabo pero malinaw?
Pwede ba talagang yun lang tayo pero parang hindi?
Pwede ba talagang yumakap ka sa akin na di ko iisiping matatapos yan?
Pwede ba talagang magtawanan tayo na alam kong meron pa ulit sa mga susunod na araw?
Pwede ba talagang wag magtapos?
Pwede ba talagang kahit dun na ang paalam, tayo walang paalam?
Pwede ba talagang hawakan mo ako at hahawakan din kita, at sa mga susunod na mga taon, di ko na gugustuhing mawala ka?
Pwede ba talagang masanay na nandyan ka?
Pwede ba talaga?

Sabi ko, ngayon lang ako magiging masaya sa pagtatapos. Meron kasing mga pagtatapos na gusto mong makamtan pero di ko naman kasi inaasahan na bago ako magtapos, darating ako sa punto na hihiling na sana matagal na kitang pinahalagahan.

Dec 14, 2017

Tuesday, December 12, 2017

Ang Iba’t Ibang Clerks





5 days to go na lang, matatapos na din akong maging Medical Clerk, sa wakaaaas! Ngayon, sa ilang buwan na naging Medical Clerk ako, meron talagang iba’t ibang klase ng mga clerks.

1. Toxic
May mga clerks na magmamakaawa ka na wag pumasok dahil maramdaman pa lang ng ward mo na parating na sya, nagsisidatingan ang mga pasyente o nagiging toxic yung mga pasyente mong stable. Yung kahit pa yata ang Psychiatry rotation mo na dapat benign talaga nagiging toxic kapag andyan sya.

2. Feeling Toxic
Ito yung clerks na feeling busy, feeling natotoxic. Yung tipong madami kayong dapat gawin, pero sya sa buong araw, SOAPing lang ng isang pasyente ang naiambag nya. Hahahahuhuhu!!! 

3. Benign
Nagkakagulo ang lahat, di mo na alam saan huhugot ng tulong sa duty mo pero nung andyan na sya, shiyeeeet! Bat nawala lahat ng pasyente? Bat naging stable lahat ng toxic? Pakshiyet. Benignnnnn.

4. Kalawit
Sa di mo din maintindihan na pangyayari, yun nagsabay-sabay namatay yung patients mo na dapat stable, na dapat okay na, na halos pauwi na. Andyan na kasi sya, ang kumakalawit na clerk. 

5. “Deck na ako”
Yung clerk na nagdecide sa sarili nya na magdedeck na sya matulog. Hindi tayo, kundi sya lang. All by myself ang peg nya. Sana mag-isa na din lang sya sa rotation.

6. Parent
Mga magulang. Mga clerks na talagang may paraan para manggulang sa kapwa nya clerk. Yung di agad magbebreak kapag deck nya na at aabusuhin gagawing break nya kapag toxic na. Yung dapat tamang hati sa gawain pero sa kanya gagawa sya ng way para magmukha syang busy at walang choice mga kasama nya kundi gawin pati yung dapat nyang gawin.

7. Sakitin
Sakitin kapag toxic. Healthy kapag di toxic. Meron din namang totoong sakitin pero sakit sa bangs kapag ka-pair mo yung mahilig umabsent. Kung single ka, pati ba naman sa duty, single ka pa rin?

8. Ma
MAsandal, tulog. MAupo, tulog. MAgka-time, matutulog. Wala syang ginawa kundi matulog. Di lang antukin, sabik na sabik sa tulog. 

9. Forever fresh
Yung kahit nagduty na kayo ng 24-48hrs straight, ikaw mukha ka ng tinapa, sya fresh na fresh looking pa rin. 

10. Forever from
Preduty ka lang pero mukha kang from. Kakaduty mo pa lang pero mukha kang from. Kapag from ka na, mukha ka ng walking zombie.

11. Wadapak, laging gutom
With feelings ‘to dahil sa dami ng kailangang isipin sa duties, isa lang napatunayan ko, badtrip ako kapag gutom. Sa konting beses na nagalit ako, madalas dahil sa pagkain. Hahaha

12. Asthmatic
Mga clerk na puro “neb” Yung tipong Marlboro q6 tapos sana may chest physiotherapy din after. Ganern.

13. Always late
Kahit anong ospital na rotation nyo, kahit anong gawin nya, talagang late sya. Di mo din gets kung bakit, basta late sya. Better late than later. Hahaha

14. Girl, Boy, LGBT
Bakla? Tomboy? Bi? Lalaki? Babae? Yung di mo sigurado ano talaga sya pero wala lang, gusto mo lang siguraduhin, at kapag nagtanong ka, at sumagot sya, di mo din naman papaniwalaan. Or kung si crush tatanungin mo kung tomboy sya, para may chance ka (Haha!!) or kung bakla yung crush mo, keber, yummy naman e.

15. Monitoring machine
Yung wowzy, tinalo pa ang F1 sa bilis mag monitor. Sana di lang QT, pero magulat ka, ang hawak nya lang pulse ox, andun na pati BP at temp. Haha! Nakakatawa ‘to pero as much as possible don’t do this. Makakatapos ako ng clerkship na lahat bitbit ko sa monits. Kapag pagod ka, isipin mo na lang pamilya mo minomonits mo. Kung kinaya ko, kakayanin nyo din. 

16. Daming time
Yung clerk na feeling madaming time kaya kung mag Q1 aabutin na ng Q2, at aabutin na ng Q4. Yung mabagal pa sa matabang pagong kumilos.

17. Petmalu
Kung may teacher’s pet, itong loding ‘to yung pet ng residents. Yung iba trying hard maging favorite ng residents pero may iba din na kahit anong gawin nila, sila at sila yung gusto ng residents. Wala e, cute e. Hehehe

18. Grrrr
Si ate girl, kuya boy, ate boy o kuya girl na kahit anong gawin nyang pagpapacute o kahit wala sigurong gawin, gigil na ang lahat. Ewan ko, may ganito talaga.

19. Laging may regla
Yung akala mo lagi syang may regla sa init ng ulo nya lagi. Yung parang may kaaway madalas kahit wala naman. Usoooo!!! Pero syempre sa girls naman, kapag magkakaregla, excuse talaga namin yun kasi shit naman, sa di ko gets na dahilan, madali akong mairita at magalit kapag ganun, so feeling ko ganun lahat. Hehe

20. Tamad
Nakakabwisit dahil tamad (From Ian Carampatan. Tawang tawa ako sayo, bro. Hahaha)

21. Nakakabwisit
Yung clerks na di naman tamad pero sadyang nakakabwisit lang. (From Ian Carampatan. Tawang tawa ako sayo, bro. Hahaha)

Hahaha! Wala na akong maisip. Pinag-isipan ko ‘tong maigi kaso hanggang dito lang ang kaya ko. May kilala ka bang mga ganito? Or Ano pa mga pre? Ano pang pagkukulang ko? Sabihin mo lang at idagdag ko.

PS
You are wonderful, clerkship.
Di ka pa man nawawala, namimiss na kita ng sobra.
Sobrang mahal ko ang clerkship.

Thursday, December 7, 2017

Ang Iba Ang Ibig Sabihin




Iba ang ibig kong sabihin.

Nung gabing yun, iba ang gusto kong iparating.
Nung napansin ng ibang tao, iba ang gusto kong makuha nila.
Nung tinatanong nila ako, iba ang gusto kong isagot.

Tinanong nila tayo, kung tayo daw ba?
Tinanong ako ng iba pa, ano bang meron sa atin?

Nung sinabi kong wala kang  pag-asa, ibig kong sabihin, ayoko kasing umasa.
Nung sinabi kong wag kang mahuhulog sa akin, ibig kong sabihin, wag kang mahuhulog ng di ko alam.

Simula noong gabing yun, napaisip ako.
Simula nung sinasabi ng iba kung anong nakikita nila sa atin na di ko namamalayan, nakita ko na din mismo.

Sa ngayon ang mahalaga, masaya tayo pareho.
Ang ibig kong sabihin, masaya ako sayo.

PS
10 days to go at pagkatapos nito, makikita ko pa kaya ang ngiti mo?