Di ko alam kung paano tamang simulan ang nagtapos na. Di ko alam kung paano ako hahanap ng mga tamang salita para sa nagpaalam na. Di ko alam kung paano nararapat na alalahanin yung dumaan na.
Kaya ganito na lang:
Salamat, Panginoon.
Grabeeeee! Nung 2016, parang gumuho mundo ko lalo nung na-stroke yung tatay ko. Sabi ko, di ako uuwi hanggang di ko kasama tatay ko na umuwi. Kung ilang araw sya sa ospital, ganun din yung araw na nandun ako. Habang buong pamilya ko, umiiyak, kailangan maging malakas ako, lalo para sa Mama ko, mga kapatid ko, lalo kay Papa. Di ko gets pero sabi ko may rason yun. Sa parehong taon, iniwan ako at nilalaban ko yung Clerkship pero hello, unli removals. Yung naiba lang, pinagdasal at nilaban ko ng todo yung Clerkship. Di ko alam paano magiging okay, pero kaya pala nangyari yun dahil may mga rason. Salamat sa mga rason, Lord. Kakaiba.
Nagsimula yung 2017 na naka-V neck ako sa ospital kasi di ko akalain na magiging Clerk ako. Kasama si Chaar (yung bestie ko sa Med school), nagsimula yung pagduduty ko kasama ang mga bagong mga kagrupo (Quatro) at ang ibang seniors namin. Takot na takot ako. Di ko alam kung kakayanin ko kasi feeling ko kulang ako sa alam kaya sabi ko sa sarili ko lahat nung kakulangan ko, pupunan ko ng kasipagan at walang pagod na pagtatanong para matuto ako. Di ko alam mag-IV, NGT, Foley Cath at lahat ng iba pa. Totoo lang, ni hindi ako marunong mag-BP nung simula. Pero nagtapos lahat. Natapos yung buong taon na hindi ako nag-absent, na lahat ng code, kahit pagod na ako, bibigyan natin ng magandang laban sa buhay, na lahat ng kakayanin ko, gagawin ko at yung di ko alam, susubukan kong alamin.
Sa dami ng nakasama ko sa Clerkship, di ko alam paano iisa isahin pero salamat Quatro, Manus Vita, mga seniors namin noon, baby JIs, residents, consultants, departments, nurses, kuyas at ates at sa restaurants na open para busugin kami while on duty.
Sobrang sarap balikan kahit tapos na.
Sobrang sarap alalahanin kahit wala na.
Salamat Lord. Ikaw lahat ng ‘to.
Happy new year sa lahat! <3
PS
Hello, 2018.
Kinakabahan na naman ako sa bagong simula pero willing akong magsimula ng paulit-ulit.
Naeexcite na din ako sa graduation, Manus Vita. Congrats sa atin!
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.