Nagising akong bigla kaninang madaling araw, mga alas-kwatro o alas-singko ng umaga, ikaw agad yung naisip. Pangalan mo agad yung pumasok ‘pag mulat ng mata ko. Tila ba hinahanap yung isang taong nawawala. Tila nananabik yung mga pusong magkalayo.
Hinahanap kita pero di nung gising ako.
Ginusto kong hindi ka hanapin, pinilit ko.
Pero sa pagtulog ko, di ko napigil, hinahanap kita.
Hinahanap ng paulit ulit.
Hinahanap kita, pero ng patago.
Hinahanap ka ng puso ko, di ko man maamin.
Hinahanap ka nito, araw-araw, di ko man pinapansin.
Hinahanap kita.
Gustong gusto kong hindi pero wala na akong magawa.
Gustong gusto kong wag na lang pero paano?
Kaya pala patago kitang hinahanap,
Kaya pala palihim kang sinisigaw ng isip ko,
Kaya pala pasikreto kang nakatatak sa akin,
Kasi sa paghahanap na ito, sa pagsigaw nito, sa pagtatak mo sa akin, ako ba? Ano ba ‘to sayo?
Paano natin seseryosohin yung isang bagay na alam nating nilalaro natin pero paano ko lalaruin yung isang bagay na sineseryoso na ng puso ko?
PS
January 7, 2018
Hinahanap hanap kita, yun yung totoo, di ko lang kayang aminin. Yan tuloy, kailangan pang magising sa pagtulog ko, para hanapin ka.
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.