Friday, January 26, 2018

Ang ER


Kada may papasok dito, nilulugar sila kung gaano sila ka-importante, kung sino ang dapat mauna, kung sino ang dapat pahalagahan kaysa sa iba. Ang galing nga e, eksaktong alam mo kung ano para sa iyo yung gusto mong bigyan ng halaga ng higit pa sa iba.

Kung ang pag-ibig, parang ER lang, alam mo kaya kung saan ako ilalagay? Nakita mo kaya na karapat dapat akong unahin? Ni namalayan mo ba na kailangan mo akong pahalagahan? O wala lang, ni bakas ko di mo naisip? Pa-side chair, side chair lang ba ako o tambay lang sa hallway kasi wala e, walang halaga.

Nung pumasok ako sa buhay mo, saan mo ako nilagay? Saan mo ako pwinesto? Pinahalagahan mo ba ako o sa sobrang manhid ko ni hindi ko namalayan? 

Kasi ako, alam ko. Nung pumasok ka pa lang, alam ko na kung saan ka karapat dapat ilagay, kung gaano ka dapat pahalagahan, kung paano kita aalagaan.

Kung ang pag-ibig ay parang ER, sana may triage, para alam mo kung san ka eksaktong lulugar kung yung mismong trip mo sa buhay di ka mabigyan ng lugar; Sana bago ka pa pumasok, inaabangan ka na at pagpasok mo pa lang, may sasalo na sayo.

Kung ang pag-ibig ay parang ER, bago ako pakawalan, sisiguraduhing kaya ko, kakayanin ko; bago ako bitawan, malalaman ko eksakto kung bat ako pinapakawalan. 

PS. From post - FEU-NRMF IM ER
Madalas talaga ngayon ‘tong nga salitang ‘to dahil na lang sa antok.

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.