Tuesday, January 23, 2018

Ang Umaasang Pag-ibig


Bakit ka umaasa? 
Umaasa ka sa pag-ibig na akala mo’y para sayo. Para sayo ba talaga o para sa ibang tao at ayaw mo lang aminin sa sarili mo na yung pag-ibig niya ay di nya maiaalay sayo? 

Umaasa ka na kapag binigay mo yang pag-ibig mo sa kanya, baka sa mga susunod na araw, buwan o kahit taon, maibibigay din nya ang pag-ibig nya sayo. Di ka ba napapagod ibigay yang pagmamahal mo sa taong ni hindi man lang makapagbalik sayo ng pag-ibig? Oo, alam ko na kapag sinabi mong “Mahal kita” di ka nanghihingi ng “Mahal din kita” pero hanggang kailan ka makukuntento sa pag-ibig na ikaw lang ang nagbibigay? Hindi nauubos ang pag-ibig pero ibigay mo ang pag-ibig na kaya mo sa taong kaya yang pahalagahan. 

Umaasa ka sa mga konting detalye na akala mo pinapahalagahan ka, na baka mahal ka rin niya pero pahalagahan mo din yung detalye na ipinaparamadam nya na ang level ng pagpapahalaga nya sayo ay hindi katulad ng inaasahan mo. 

Umaasa ka sa konting paramdam pero sana matandaan mo na di konting pag-ibig ang dapat gustuhin mo sa buhay mo.

Umaasa ka sa pag-ibig, walang masama dun. 

Pero tandaan mo na kahit sa pag-ibig, marunong ka dapat bumitaw, lalo sa pag-ibig na di naman kumakapit sayo.

Sana umasa ka sa pag-ibig na darating sayo, yung karapat dapat sa buong pagmamahal mo dahil siya din mismo, buong buo kang minamahal. Umasa ka sa pag-ibig na hindi ka kailangang itago, sa pag-ibig na di palihim, sa pag-ibig na kaya kang iharap sa ibang tao. Umasa ka sa pag-ibig na buo, na totoo, na karapat dapat, na tapat, na di sinungaling, na di magdadalawang isip sa iyo at sa inyo, na darating sa panahon na laan ng Diyos.


PS. Di man kami ang magpupunan ng pag-ibig na gusto mo, tandaan mong love na love ka namin, KS. Yung deserve mo, dun ka sa deserve mo, sa pag-ibig na di mo kailangang habulin o hingiin. Darating din siya, maniwala ka.

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.