Tuesday, December 26, 2017

Ang Pang-Habambuhay



Sa byahe ng buhay mo, ang daming beses kang nagmahal. Iba’t ibang pag-ibig, sa iba’t ibang tao pero lahat totoo, lahat seryoso, lahat inakala mong sila na ang makakasama mo sa pang habambuhay, sana, malaking sana noon pero hindi. Hindi nangyari.

Paulit-ulit. Di ka napagod.
Umibig ka. Nasaktan ka. Umiyak. Humagulgol. Naghabol. Nagtanong. Nagparaya. Naghilom. Nagmahal muli.

Nagmahal ka ulit.
Paulit ulit. Di ka napagod. 
Di ka napagod na sa dulo darating yung pag-ibig na para sa iyo.

Pinagdasal mo.
Paulit ulit. Di ka napagod.
Di ka napagod na sa pagdarasal mo, maririnig ka ng Diyos at ibibigay ang taong para sa iyo.

At dumating siya.
Siya na ipinagdasal ka din.
Siya na hindi lang tinumbasan ang pag-ibig mo, ibinigay pa sayo ang lahat ng pag-ibig nya.
Siya na hindi ka iniwan, pinanindigan ka pa.
Siya na hindi lang humawak sa kamay mo, sinigurado nya pang malaman mo na kahit kailan di ka nag-iisa.
Siya na di lang salita ang “Mahal kita” kasi ipinakita nya, ipinaramdam nya.
Siya na kaya pala di ka pwede sa ibang tao, kasi sa kanya ka lang pala dapat.
Siya na tinanggap ka ng buong buo, ang nakaraan mo, ang kasalukuyan at sasamahan kang harapin ang mga kinabukasan.
Siya na sasamahan ka araw-araw, pang habambuhay.

At sa pang habambuhay, hindi matatapos ang kwento ng pag-ibig ninyo.
At sa pang habambuhay, di ka na muling mag-iisa
At sa pang habambuhay, may taong papanindigan ka.
At sa pang habambuhay, hindi ka na mag-iisip kung sa susunod na mga araw mawawala na ang lahat.
At sa pang habambuhay, di matatapos ang “Mahal kita”
At sa pang habambuhay, kayo.
Kayong dalawa.


PS
Poks, you know that I love you so much and I am so happy to have witnessed your wedding. I felt the love, Poks. Simple pero totoo. Di kumplikado. Di mahirap. Yung pag-ibig na pinanindigan ka nung di ka kinayang panindigan ng iba. I am truly happy for you, my dearest Poksy. I will still be here for you, always.

PPS
Tongue in a lung, kuma-crying session na naman tuloy ako. Sarap ng pag-ibig❤️ Sa tamang oras at tamang tao, magiging handa ulit ako, pangako. Di din ako mapapagod.

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.