Wednesday, December 7, 2011

Ang Maulang Byahe

Hindi kailanman magbabago ang katotohanang sa byahe ng buhay ko, wala ka na. Hindi na natututong huminto ang ulan na sumasabay sa pagluha ng mata ko sa byaheng wala ka na. Sa kada kanto na maaalala kita, sa kada lugar na makikita ko ang isang katulad mo, lalong umaagos ang iyak ko. Tumatangis na naman ako ngayon. Tumatangis na naman kasabay ng sobrang nangungulilang byahe.

Alam kong nasa byaheng tahimik ka na. Alam kong nasa lugar ka na kailanman lagi ka lang masaya at walang problema. Alam kong kasama mo yung tanging nilalang na kayang mag-alaga at magmahal sayo higit kanino pa man. Sana lang nayakap at nakahalikan kita bago ka umalis. Sana lang mas madalas kong sinabi kung gaano kita kamahal.


***Miss na miss na kita Lolo Kape. :'( Miss na miss ko nang inaasar ka. Alam kong okay ka na dyan, pero dalawin mo naman uli ako sa panaginip. Gusto ko lang makita ka. Gusto ko lang asarin ka at makita yung ngiti mong walang kupas. Reserba mo ako ng pwesto sa langit, magkikita tayo sa tamang panahon. I miss and love you, Lolo!

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.