Salamat sa labing dalawang buwan, madaming mga araw at segundo. Salamat din sa mas madaming pagsubok.
Hindi ka naging madali pero hindi ko kayang umangal lalo na sa taong 'to, katulad ng mga nakaraan pang mga taon sa buhay ko, mas madaming milagro at blessings and binagyo sa akin ng Panginoon.
Muntik na akong di grumaduate, pero saktong RICO 2012 ako. Muntik na akong tumagilig sa 1st sem ng Medicine, pero all passed ako. Muntik ng gumuho ang mundo ko sa board exam na kinuha ko ng walang review pero pumasa ako.
Akala ko dapat ko ng talikuran ang Medisina pero binigyan mo ako ng mga taong hahatak sa akin. Akala ko ano nga ba ang tunay na kaibigan pero ipinaalala mo ang madaming tao sa akin.
Akala ko salot ang kulot pero binigay mo siya na nakasama ko kahit saan, kahit kailan, na hindi pala nakakasawa ang mukha niya sa gilid ko. CRISELDA.
Akala ko mahina ako, pero ibinigay mo siya sa akin para ipaalala kung gaano katibay ang isang tao kapag sa Panginoon kumapit. JAIRAH
Akala ko maingay at mataba lang siya pero pinapatalbog niya ako sa kasiyahan. MARION.
Akala ko matalino lang siya at payat dahil laging puyat pero bitch pala siya na kayang talunin kahit si Goliath maipagtanggol lang ako. JULIA.
Akala ko ako na lang, pero may nakakapitan ako, may humahatak sa luha ko kapag pabagsak na. CHAAR. at MGA TOTOONG KAIBIGAN.
Akala ko di nila ako kayang suportahan, pero tinanggap ng pamilya ko ang mabababang grades ko at nagtiwalang kakayanin ko ang lahat. Tinanggap nila ang katamaran ko pero pinupursige ako para maging isang matagumpay na doctor. PAMILYA.
Mahirap kang harapin pero walang hindi kakayanin. Gumapang ako pero di ako kailanman mag-isa. Paalam na sayo pero kailanman hindi mamamaalam ang mga taong 'to at ang Diyos ko, yun ang alam ko.
♥Opmaco
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.