Bakit mo hahayaang punuin ang sarili mo ng mga ideya na masasama, na masasakit? Bakit nilulunod mo ang sarili mo sa mga bagay na nakakapagpalungkot lang sayo? Bakit mo inaalis ang ngiti mo? Bakit mas pinapahalagahan mo ang mga bagay na di naman mahalaga? Akala mo lang mahalaga. Bakit imbes na nakalabas ang ngipin mo kakatawa, tinatakpan mo ng panyo para lang umiyak? Bakit kailangang maging malungkot?
Di ka dapat malungkot. Di mo dapat ikalungkot ang mga bagay na nagpapabigat ng loob mo. Mahirap na nga ang sitwasyon, mas pinapahirapan mo pa ang sarili mo kakaisip ng mga bagay na masasakit. Umiyak ka kung kinakailangan. Masaktan paminsan minsan pero tandaan mo, happiness is a choice. Kung gusto mong sumaya, piliin mong pahalagahan yung mga bagay na magpapasaya sayo. Piliin mong maging masaya.
PS
Dapat lahat tayo masaya. Sumaya ka na. Ako naman susunod. Pinipili ko na maging masaya
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.