Parati na lang akong nag-iisa. Parati na lang akong naiiwan. Parati na lang akong binibitawan. Parati na lang di ako sapat kahit na ibigay ko ang lahat. Parati na lang akong tinutulak palayo kahit na wala akong ibang gustong gawin kundi manatili. Parati na lang akong umaasa sa wala. Parati na lang akong magpapakatatag kahit sa loob ko, gusto ko nang gumulong sa lapag kasi di ko na talaga gustong kayanin. Parati na lang akong umiibig at parati ko lang iyong iniigib sa ibang tao. Parati na lang akong kakapit at lalapit, at parati din akong sumasabit at kumakabit.
Parati na lang kaya ako'y paparty na lang. Kada lagok ng alak, hiling na dumating ang panahon na may isang taong parati akong pipiliin. Kada indak sa tugtog, sabay ang kabog ng dibdib na sana'y sa susunod na tumibok dun sa taong di lang 'to papatibukin, yung taong di din sana ito tatakbuhan. Kada kanta sa musika, sigaw sabay pikit na sana, sana lang, dumating ang panahon na maalis ako sa party na 'to, mawala ang mga parati at malalaman ko kung bakit di ako para sa ibang tao. Sana lagi siyang andyan di lang sa party, kundi parati.
Sana yung magiging importante yung pag-ibig namin sa isa't isa.
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.