FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Friday, August 29, 2014
Ang Espesyal Kahit Pang-ilan
Sa tingin mo, importante kung ilang beses yung taong nagmahal?
Hindi.
Sa tingin mo, importante kung pang ilan ka sa listahan ng mga minahal niya buhay niya?
Hindi.
Sa tingin mo, importante kung may mga minahal siya bago ikaw?
Hindi.
Ang wirdo naman para magbibigay ng panahon para sa ganyan.
Ang pag-ibig, parang pagkain. Isipin mo na lang, kung kumain ako sa umaga ng pagkain, ang sasabihin ba sa akin ng pagkain "Hindi na ako espesyal kasi ako yung pang 25,185th na pagkaing kinain mo sa buong buhay mo!"
Pwes, hindi ganun yun! Hindi ako pwedeng bumalik sa nakaraan para isuka lahat ng naunang pagkaing kinain ko bago ka, pero di ibig sabihin nun na hindi ka na espesyal.
Parang sa pag-ibig, hindi porke may nauna na akong mahalin, may nauna na akong nakasamang gawin ang mga bagay-bagay, may nauna na akong mayakap at halikan, hindi ibig sabihin nun na di ka na magiging espesyal. Kung tutuusin, espesyal ka higit sa iniisip mo dahil sa nakaraan ko, sa mga nangyari noon, sa mga minahal ko nun, ikaw yung pinili ko ngayon, hindi sila, hindi lahat ng mga nangyari noon. Ikaw. Ikaw. Ikaw.
Iba ka noon. Iba sila noon. Iba ako noon.
Iba ka. Iba sila. Iba ako.
Ibang panahon 'to.
Ibang pahina ng buhay ko.
Iba yung pakiramdam nung ikaw ang kasama ko.
Basta maniwala ka, iba 'to. Espesyal 'to higit pa sa naiisip mo.
Wala yan sa kung sino ang nauna, sino ang matagal, sino ang nasa nakaraan. Ang mahalaga yung kasama ko ngayon, yung gugustuhin kong makasama habambuhay. Ikaw. Ikaw. Ikaw.
Monday, August 25, 2014
This girl, my girl
9:10pm
Aug 25, 2014
Kakatapos kong makipag-facetime with her. Sobra lang yung feels ko ngayon. Amazeballs!!! When I look at her, I can't help but smile. Everytime I have that chance to see her, sobrang ang tumatakbo sa isip ko na I really don't know how we get to this point, all I know is that, the sacrifices we did before, was all worth it. It took us more than 3yrs to realize each other's worth. We needed to fall for other people before we exactly understand that all those years, we're just pretty much into each other. We needed time apart before we figure out that all we ever wanted was to be together. Kakaiba. Kakaiba lang.
If I could just hug her now, I would never let go. If I could be with her now, I would wish for time to stop. If I could hold her hand now, I would let her feel that those hands fit perfectly with mine. If I could see her now, I would just smile and let her know exactly what I'm feeling.
Di man kami magkasama, malayo man kami sa isa't isa, wala na yung takot ko, wala yung pagdududa ko, kasi we've been challenged before by time, by distance, and by other's love, pero who would have thought na makakarating kami sa puntong 'to? Wala. Kahit ako. Pero I'm so blessed kung anong meron kami ngayon. I'm in love with her before, today and always.
Feels good. Thank You, Lord.
Monday, August 18, 2014
Ang Mga Mag-aantay
Ayos naman ang lahat. Ordinaryo. Swak na sa pang-araw-araw. Tapos dumating ka, dumating ka ulit. Ngumiti ka, kasabay yung pag ngiti ko din pabalik sayo. Nag-usap tayo, nag-usap at hindi ko na hihilingin pang matapos 'to.
Nasanay na akong nandyan ka. Nasanay na akong nakakausap ka. Nasanay na akong malapit ka lang. Nasanay akong mag umpisa at magtapos yung araw ko na alam kong ilang araw na lang pwede kitang makasama. Nasanay na ako. Nasanay na pero kailangan mong umalis para sayo, para sa kinabukasan mo. Kaya nga ayoko e. Ayokong masanay, ayokong mahulog, ayoko, ayoko, ayoko! Kaya pinipigilan ko. Kaya ayokong hayaan kasi katulad nito, pwedeng matapos. Kaya katulad nito, matatapos na ba?
Sabi ko bawal ang lahat pero hindi nga pala nakakapili yung puso kung sino yung mamahalin nya, kung kailan siya magmamahal, at kung paano. Sabi ko, hindi ako pwedeng magmahal, kumplikado. Kumplikado lalo sa lagay natin. Hindi pwede. Hindi pwede, yun ang inisip ko, pero yung puso ko, hindi maturuan. Kaya pwede bang wag tayong matapos dito?
Kaya ganito na lang, ayokong matapos 'to. Handa akong mag-antay. Antayin natin yung panahon na yun. Aantayin natin yung panahon na para sa atin. Yung uupo na naman tayo, magkekwentuhan, ngingiting magkasama. Aantayin natin yung oras na sabay tayong manonood ng sine. Aantayin natin yung kwentuhang walang humpay at sana'y walang katapusan. Aantayin natin yung panahon na kapag lumingon tayo, alam nating nandyan ang isa't isa. Aantayin natin yung panahon na makakasama natin ang isa't isa uli. Ako, handa ako. Mag aantay ako dun sa oras na yun, alam kong ikaw din. Antayin natin yun na di man magkasama, pero sana walang iwanan.
PS. Bon Voyage, LG. Tandaan niyo ni JG, makakasama ulit ninyo ang isa't isa and it will be worth it. SepAnx lang pero kaya ninyo yan. Love knows no distance.

Wednesday, August 13, 2014
Ang Di Magkasundo
Photo by: Brian Magadia Accounts: Facebook and Wordpress |
Oo, may mga bagay na di namin pinagkakasunduan. Oo, di lahat ng trip namin pareho. Oo, yung ugali niya, di madalas umaayon sa ugali ko. Oo, may mga paniniwala siyang iba sa paniniwala ko. Oo, nag-kakaasaran kami. Oo, kung minsan nagkakainisan na kung pwede muna wag mag-usap at magpalamig na lang muna ng ulo. Oo, nag-aaway kami.
Nag-aaway kami, punyetang nagiging magkaaway kami, pero nagmamahalan kami. Mahal namin ang isa't isa kaya siguro nagiging ayos lang ang mag-away; kasi nag-aaway kami dahil iniisip namin yung kapakanan nung isa't isa pero may mga bagay lang na di laging agad maiintindihan. Sa kada di pagkakaintindihan, sa kada away, sa kada gulo namin, sa kada panahon na ayaw muna namin makausap yung isa't isa, nandun yung pag-ibig, di nawawala. Bumabalot dun yung mga salitang "Kahit ano pa, kahit ilang away pa, di ko pipiliin yung buhay na wala ka." Kasama nun yung patagong sigaw ng damdamin na "Mahal kita kahit ano pa."
Photo by: Brian Magadia
Accounts: Facebook and Wordpress
Monday, August 4, 2014
Ang Sukatan Sa Pag-ibig
Photo by Brian Magadia Accounts: Facebook and Wordpress |
Nasusukat ang pag-ibig sa pagbabago, sa epekto.
Minsan yung pinakamatagal pa na relasyon ang nagbubunga ng halos walang kwentang paglago, habang ang pinakasandaling segundo na pagkakataon, yun pa yung magbabago sa buhay mo.
Nakakatawa man, pero alam kong alam mo, na madalas, kahit gaano mo na katagal kasama yung isang tao, meron at meron kang hinahanap, yung isang tao na halos nakilala mo lang sa pinakamabilis na panahon, pero sa di mo inaasahang dahilan, siya at siya yung iniisip mong makasama, siya at siya lang kahit sumubok kang magmahal ng madami pang iba. Siya lang.
Wala kasi yan sa panahon. Wala yan sa tagal. Wala yan sa kung gaano mo kadalas kasama yung tao. Wala yan sa kung paano mo nakilala yung isang tao. Kasi yung pag-ibig, yung totoong pag-ibig, yung pag-ibig na talagang nakalaan para sayo, kahit ano pang tanggi mo, kahit ano pang pagtakbo mo papalayo, kahit ano pang iwas mo, kahit sinubukan mong magmahal ng ibang tao, siya lang, siya pa din, siya lang talaga. Pinili mo man ang iba, pilitin mo mang magmahal ka ng iba, babalik at babalik ka dun sa taong kahit sandali pa lang, pero iba kasi yung epekto niya sayo.
Walang relo ang puso - hindi niya kinikilala ang panahon, wala siyang kinikilalang oras. Wala siyang pakielam sa kung gaano mo katagal kakilala ang isang tao. Wala siyang pakielam kung gaano mo katagal kasama ang isang tao. Ang kinikilala ng puso yung pagbabago, yung epekto, yung tindi ng epekto sayo. Yung kahit sa maikling panahon, buong buhay na siyang tatatak sa buhay at puso mo.
<3
PS. Thanks for letting me use your photo, Bri.
PPS. Brian Magadia is my friend. He captures great photos!! Do check his accounts -- Facebook and Wordpress.
Subscribe to:
Posts (Atom)