FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Saturday, December 12, 2015
Ang Sagot Ko Sa Tanong Mo - "Dapat Isagot Sa - Bakla Ka Ba?"
Kung iniisip mo na dito mo mahahanap ang sagot, sinasabi ko sayo, hindi mo eksaktong dito malalaman ang sagot kasi bago mo pa yan hinanap, alam mo na ang sagot sa tanong mong yan.
Bakla ka ba?
Bakit kailangang hanapin mo yung dapat mong sagot sa tanong na yan? Kung bakla ka, bakit ka mahihiya? Kung bakla ka, di alam ng pamilya mo? Kung bakla ka, di alam ng ibang tao? Kung bakla ka, nahihiya ka sa mundo?
Una sa lahat, walang masama sa pagiging bakla. Pangalawa, kung di yan alam ng pamilya mo at ng ibang tao, hayaan mo lang, basta alam mo sa sarili mo ang totoo, kahit yun muna sapat na yun. Pangatlo, kung di mo kayang sumagot ng totoo sa ngayon, wag ka na lang sumagot. Hindi naman kasi kailangan na lahat ng tanong ng mga tao masagot mo, hindi lahat ng mga tanong na ibabato nila sayo, kailangan mong magsalita. May mga bagay na mas maganda na lang na di ka umimik, siguro dahil di ka pa handa na malaman ng ibang tao, pero wag na wag mong itatanggi yung katotohanan. Bakit? Kasi para mo ng itinanggi ang pagkatao mo kapag yun ang gagawin mo. Pang-apat, magdasal ka. Pang-lima, hayaan mo na ang panahon ay dumating para maging handa kang sabihin sa mundo na bakla ka.
Isagot mo ang totoo. Pakiusap ko lang sayo, wag na wag mong itanggi ang laman ng puso mo na kung di ka pa handa na malaman ng iba ang totoo, manahimik ka na lang. Darating ang araw na magiging handa ka rin.
Bakla, tomboy, lalaki, babae, silahis o kung ano ka pa man, basta totoo ka, masaya at walang natatapakang ibang tao, ayos na yun. Walang masama sa kung ano ka. Wag kang magpapadala sa sasabihin ng mundong minsa'y mapanghusga, maging mabuti kang tao, sapat na yun para respetuhin ka ng buong mundo.
Para sa mga nagbabasa ng blogs ko: Salamat!
Gusto ko lang malaman ninyo na BINABASA KO lahat ng pwede kong mabasa (yung e-mails ninyo sa akin na lahat nirereplyan ko, yung mga comments ninyo na sinusubukan kong sagutin kapag nabasa ko at pati na ang mga keywords ninyo kung paano kayo napunta sa blog ko) Thank you talaga and God bless us all :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.