Mama and Papa | March 4, 2019 Sundo after PLE Day 2 |
Lalaban o babawi?
Pwede bang may choice pa ako sa oras na 'to? Kakatapos lang ng 6th exam (pang-600 na tanong) ko sa PLE pero parang ni wala akong kalahati sa lahat.
Babawi.
Babawiin ko na sana 'to kasi pagod na ako, kasi ayoko na, kasi kahit yun na best ko parang kulang na kulang na kulang na kulang, kasi feeling ko babagsak din naman na ako. Sa tuwing natatapos yung exam, lalabas sa room. Nganga. Kung pwede lang umiyak lagi pero sa sobrang pagod ko, pati yun di ko na ginagawa kasi pagod na pagod nga ako. Makikipag-usap saglit para sumaya, makalimot saglit pero papasok ulit sa room kapag tapos na lahat mag-exam para mag-review saglit dun sa susunod na exam. Magbabasa kahit walang papasok. Magpepretend na okay pa. Ipapamigay yung envelope, pipilas ng scantron. Babasahin ang tanong. Susubukang sagutan, next. Basa, sagot? Kung wala, next. Basa. Basa. Next. Next. Basa. Next. Paulit-ulit. Shade ng scantron. Tulala konti. Titingin sa itaas, bumubulong na sa Diyos - "tulong" Nakakapagod. Nakakalula. Kulang na kulang ako. Kulang na kulang yung kakayanan ko.
Kapag natapos na yung araw, lalabas. Alam kong nag-aantay na yung pamilya ko sa akin. Sasakay sa kotse. Kakamustahin nila ako.
Lalaban.
Lalaban na lang pala ako. Lalaban kasi maaalala ko kung bakit ako nag-eexam. Lalaban kasi nakita ko yung nanay ko na pagod na pagod mag-drive lagi para sa amin lalo sa akin ngayong boards tapos yung tatay ko na sisiguraduhin na may kakainin ako sa umaga at sa pag-uwi ko. Sasama pa sa nanay ko sa pagsundo sa akin para lang malaman kong andyan sila. Makakatanggap ng tawag sa tita ko na nagpaaral sa akin, sasabihin niya na "God is good neneng ko" kakamustahin ako ng iba pang mga tao.
Lalaban. Kaya lalaban. Kaya lalaban kasi nandito naman na ako, edi tapusin na lang. Kaya lalaban kasi nasimulan naman na. Kaya lalaban kasi matapos 'to, di naman ako papabayaan ng Diyos kahit anong mangyari. Ilang beses na ba akong lumabas sa exams ng Pharma dati na ang sure ko lang 10 points pero magiging... :)))))
Di tayo sexbomb para lumaban laban at babawi bawi. Huehuehue
Lalaban. Lalaban na lang. Di na babawi.
Puro puso na lang. Punuin ng pagtitiwala sa Diyos.
Iniisip ko na lang na di naman lahat ng laban, lalaban ka kasi alam mong sa dulo mananalo ka. Minsan lalaban ka kasi gusto mong lumaban kasabay nung maraming mga rason kung bakit ka lalaban. Tiwala lang sa Diyos. Di naman kailangan sigurado ka sa mangyayari pero siguradong kang kahit ano pang mangyayari, laging magiging okay ang lahat sa dulo. Tiwala. Puso. Dahilan. (+ Kagandahan. Hahaha. Iniisip ko after nito magbabawas na ako ulit ng timbang dahil I gained 21 lbs the last time I checked. Nagpagawa na kami ng gowns namin para sa kasal ng pinsan ko sa May kaya wala pala din akong choice. Hehe)
PS. Tinatype ko 'to habang pauwi kasi kaninang matatapos yung Patho, natutulala ako dahil bukod sa mahirap, gustong gusto ko na umalis sa room tapos sabihin kong "Ayoko na" kaso naalala ko na kapag lumabas ako, nandun nag-aantay sa labas magulang ko, sinusuportahan ako. Sino ba ako para sumuko kung solid sila? :'(

PPS. Looooooord <3
hi doc im crying reading your post now. mag tatake ako this Oct 2023. ayoko na… pero lalaban :( thank you! :((
ReplyDelete