Started: March 14, 2019 1:38am
Ang totoo takot na takot ako pero sa tuwing may magtatanong, ang sinasagot ko ay "Okay lang" Sa kada pagkakataon na may mag-memessage na "Natatakot ako. Huhuhu" tapos magrereply ako ng pampalakas ng loob, gusto ko ring sabihin na takot na takot ako. Alam ko yung kakulangan ko dun. Kung ako lang, wala akong patutunguhan. Ang pinanghahawakan ko lang talaga yung paniniwala ko sa Diyos na hindi Nya ako papabayaan. Wala na yatang pagkakataon (lalo nung review) na hindi ako umiyak. Lagi akong nagmamakaawa sa Diyos na punan yung kakulangan ko. Sabi kasi nila baka ngayong gabi o bukas lalabas yung resulta pero di ko alam anong mangyayari. Gustong gusto kong humingi ng tulong kasi nalulunod din ako sa takot, kasi habang sinusubukan kong pasiyahin yung ibang tao, ako din gusto kong magsabi na tulungan ninyo ako kasi di ko alam gagawin ko. Tulungan ninyo ako kasi di ko alam paano ilabas 'tong takot ko. Tulungan ninyo ako. Kasi kahit dito sa bahay, ayokong mag-alala sila pero gusto kong humagulgol at magsabi na takot na takot ako.
Sabi ko nga sa pinsan ko nung isang araw yata yun "Muntik na akong tumambay lang. Buti nga natapos ko pa yung pagdoDoktor." Minsan nalilimutan ko dahil sa takot pero kapag umayos na yung utak ko, ang dala ko yung bagay na alam kong dinala ako ng Diyos sa Medisina dahil sa rason. Na muntik na akong walang ginawa sa buhay pero dito Nya ako tinangay. Na sa dami ng alon patungo sa ibang himpapawid ng pangarap, dito ako natutong mangarap. Na sa dami ng ihip ng hangin, dito ako tinangay patungo sa isang bagay na di laging panalo pero alam kong magtatagumpay. Hindi madali pero sana kayanin.
Punan Mo, Panginoon, lahat ng kakulangan ko.
Please lang po.
Isama ninyo po ako sa dasal ninyo, kahit isang beses lang.
Ended: March 14, 2019 1:46am
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.