YOU DON'T DESERVE BEING A RESERVE. Sa una, mahirap pero kailangan mong malaman na higit pa dyan ang halaga mo. LET GO. Di porke wala na siya, wala ka ng worth. Di mo alam, mas makikita mo ang worth mo kung sa ngayon, iisipin mo naman ang sarili mo. IT'S TIME. Nabigyan mo siya ng panahon, ng pagkakataon. Di pa ba sapat na ibigay mo sa iba at sa sarili mo ang oras mo? WAG KANG MATAKOT. Siya nga di natakot na mawala ka, kaya tiisin mo. Mababaliw ka, oo! pero sa tamang panahon makakalaya ka din sa rehab na yan. BUMUO KA NG BAGONG KWENTO. Alam mong matagal na kwento na ang nabuo mo, ayaw mo bang may iba ka pang kwentong may kwentang ikekwento sa iba? Matutuwa ka ba na buong buhay mo, yan lang ang kwentong nagawa mo? TAPUSIN. Kung di mo kakayaning bumuklat ng bagong pahina, pano mo malalaman na posible palang kahit wala siya, okay ka? Na kahit wala siya, sasaya ka? HAPPINESS IS A CHOICE. Nasasawi ka sa kanya pero siya pa din ang pinipili mo. Umiiyak ka kasi ayos siyang wala ka pero siya pa din ang pinipili mo. Kung sa tingin mong masaya ka dahil andyan siya, bat ka nasasaktan? Kung sa tingin mo, yung pagputi ng mata mo kakaantay sa kanya yung magpapasaya sayo, nagkakamali ka. Pinili mo yan kasi duwag ka, kasi natatakot kang malaman na kaya mong sumaya kahit wala siya. PAG NAGMAHAL KA, IBIGAY MO LAHAT. Tama! Pero ang pagmamahal, di lang 'siya' ang konteksto. May Diyos, pamilya at kaibigan ka. Ibigay mo lahat pero wag lang sa kanya. ANG IKLI NG BUHAY. Kung gustong lumaya, palayain. Palayain mo rin ang sarili mo. Wag aasa sa malabong pag-asa. Ang ikli ng buhay para maging malungkot ka lang. May 24hrs ka lang sa isang araw. Sana piliin mo yung bagay na alam mong buong buhay kaya mong lumigaya. Wag kang papatali sa taong gustong lumipad. Bigyan mo ang sarili mo ng pagkakataon. BE FAIR. Napahalagahan mo siya, ayan ka, nalugmok. Pahalagahan mo naman ang sarili mo. Hindi ka binuhay ng magulang mo para saktan niya, isipin mo naman yun."You never really stop missing someone - you just learn to live around the huge gaping hole of their absence" -Blue Moon by Alyson Noel
Tuloy-tuloy umaagos ang lahat sa akin. Dinadala niya pati ang emosyon ko. Kung masaya ako, kitang kita. Kung malungkot ako, pinapahalata ko. Kung anong nararamdaman ko, mababasa mo. Pero bakit yung pag-ibig ko, hindi ko pwedeng iparamdam sayo? Bakit kahit na patuloy umaagos sa atin ang oras na magkahiwalay tayo, tuloy-tuloy ko pa ring nasasabi sa sarili ko na mahal kita? Bakit kahit mahal kita, hindi ko pwedeng isigaw? Kaya pala 'tong pagmamahal ko, patuloy mang umagos sa dagat ng emosyon ko, hindi mo kailanman maiintindihan dahil masaya ka na nga palang lumalangoy sa tubig ng iba. Kung pwede nga lang paagusin na lang 'to at magmahal ng ibang tao, gagawin ko. Pero ang tubig na naipon ko, tanging emosyong para sayo lamang ang laman.
Ang bilis lumipad ng oras. Ninanakaw niya ang aking kabataan. Kinukuha niya ang mga araw na wala pa akong pakielam. Pinapalipad niya ang aking pagtitiwala; at ang katotohanan: hindi pa rin naglalaho ang pag-ibig.Oras! Panahon! Pagkakataon! Kunin mo ang pag-ibig. Kapag wala ng pakinabang ang pag-ibig, kapag ang kasiyahan ay naglaho na --kapag panghihinayang na lang ang natira --hayaan mong pati ang pag-ibig, kasama mong lumipad.
Hoy! Kung makahawak ka sa akin, sobra sobra. Buong pagkatao ko, kayang kaya mong paikutin sa palad mo. Alam kong madaming mas magagandang itlog na pwede mong piliin pero ako pa talaga ang hinawakan mo. Sana lang nung dinampot mo ako, hindi mo ako gustuhing bitawan. Hindi pa ako luto, kaya kung pwede lang ingatan mo ako. Kung pwede lang, ibalik mo na lang ako sa tray kung alam mong di mo ako kayang pangalagaan. Pero ayan ka, ang higpit ng hawak mo.Kasabay ng mahigpit na paghawak mo, yung pagtindi ng ngiti ko dahil akala ko na ako talaga yung gusto mong pangalagaan pero ang puso mo, may lamang iba. Nalaman ko, naramdaman ko. Hindi mo sinabi. Duwag ka. Pinaasa mo ako dahil hinawakan mo ako na parang di mo ako papakawalan pero hinawakan mo lang pala ako para hindi ka mawalan ng isusubo sa panahong gutom kang muli sa pag-ibig. Hinawakan mo lang pala ako dahil walang kayo. Hinawakan mo lang ako, yun lang yun. Hinawakan mo lang ako, pero ako? puso ko ang pinahawak ko sayo.Ako naman mismo ang kumawala sa palad mo. Oo, nabasag ako. Oo, ito ako malabong pulutin mo. Pero mas gusto kong maging malayang basag kaysa nasa palad mong hindi naman ako kayang alagaan. Mas magandang basag na wala ako sa buhay mo, kaysa umaasa pa din ako sayo, sa atin.
Hindi lahat ng basag na itlog, bugok. Yung iba, nabasag lang dahil binitawan ng isang ugok.
Dito sa station ko, matatagpuan mo ang lahat. Kaya kong ibigay ng bagsak presyo ang gas para sumaya ka. Pwede kitang i-libre sa gas mo, sa totoo lang. Minsan masyado silang umabuso, kaya natuto akong isara ang business na pinaghirapan ko.Ang lahat dito hindi tumataas. Lahat dito nahuhulog. Sa tamang taong magpapagas sa akin, mahuhulog ako. Sana mahulog na muli ako. Matagal tagal ko na ding isinara ang pagtanggap ng panauhin sa gas station ko. Takot kasi akong malugi. Takot akong maloko at umiyak sa dulo 'pag pinili na nilang magpa-gas sa ibang station. Pero dumating ako sa puntong handa na muli akong pumusta. Handa na ako sa kung ano mang mangyari.Darating ka na ba? Malapit ka na bang maubusan ng gas? Sana dumating ka na kasi nakangiti na akong muli para yakapin ka. Handa na akong pumirma ng kontrata sayo. Walang lokohan. Seryosong usapan, peksman!Sa 11.11.11 na ba ang grand opening natin? 'Wag mo akong biguin. Handa na ang kontrata. Handa na ang puso ko. Handa na ang kamay ko para hawakan ka sa panahon na makikilala kita, susunod na kwentong pag-ibig. Sana lang ang susunod, wala ng kasunod. Sana di na tayo malulunod at aahon na magkahiwalay.Tara na! Malapit ang opening!