Monday, October 10, 2011

Ang Patuloy Na Pag-agos

Tuloy-tuloy umaagos ang lahat sa akin. Dinadala niya pati ang emosyon ko. Kung masaya ako, kitang kita. Kung malungkot ako, pinapahalata ko. Kung anong nararamdaman ko, mababasa mo. Pero bakit yung pag-ibig ko, hindi ko pwedeng iparamdam sayo? Bakit kahit na patuloy umaagos sa atin ang oras na magkahiwalay tayo, tuloy-tuloy ko pa ring nasasabi sa sarili ko na mahal kita? Bakit kahit mahal kita, hindi ko pwedeng isigaw?

Kaya pala 'tong pagmamahal ko, patuloy mang umagos sa dagat ng emosyon ko, hindi mo kailanman maiintindihan dahil masaya ka na nga palang lumalangoy sa tubig ng iba. Kung pwede nga lang paagusin na lang 'to at magmahal ng ibang tao, gagawin ko. Pero ang tubig na naipon ko, tanging emosyong para sayo lamang ang laman.

2 comments:

  1. alam mo naman kung bakit hindi pwedeng sumigaw. wala kang magawa at magagawa kaya masakit. pero may isang pwedeng gawin. panatilihing malinis ang tubig. para kung sakaling mapadpad siya sa ilog mo, maging masaya at kaayaaya ang lahat. o kung di man siya dumating, magiging masaya naman ang kung sinong lalangoy sayo.

    magfocus ka sa ilog at hindi sa dayuhang hindi mo alam kung magkakalat lang.

    ReplyDelete
  2. Ang tuloy tuloy na pagpagos ng tubig
    ay hindi ko na yata mapipigilan.
    Parte na siya ng buhay kong ikaw ang dahilan.
    May minsang mga dayuhang nagmasid at
    sumisid sa aking munting tubig.
    Pero lahat sila lumisan. Pati ikaw,
    alala mo na lang ang naiwan.
    Hindi naman kita mapipigilan,
    kung ibang tubig naman ang nais mong languyan.
    Tulad nga ng tubig, tuloy lang ang agos ng buhay.
    Hindi ko inaasahang matatagalan maagos
    ng aking tubig ang aking magmamahal sayo.
    Hindi naman siguro mali. Pero hindi
    rin naman nakakatulong sa akin.
    Kahit ba para sayo lang ang naipon kong
    tubig, kailagan kong palanguyin ang
    iba para sa aking tuluyang paglaya.

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.