Thursday, October 13, 2011

Ang Tanong Ng Snatcher



Di naman talaga ako isang snatcher. Muntik lang kasi nagmahal ako. Akalain mong marunong palang magmahal yung muntik ng maging snatcher. Naisip ko, paano kung maagaw nga kita, makuha nga kita, makukulong ako sa isang rehas ng relasyon na alam kong inagaw ko sa iba. Oo, makukulong akong kasama kita pero inagaw lang kita. Paano magiging masarap sa pakiramdam yung katotohanang hindi ka magiging akin kung hindi kita inagaw? Paano ako magiging masaya kung nakuha nga kita, pero hindi naman talaga ako yung unang pinili mo, na sadyang mang-aagaw lang ako?

Sana para ka na lang Macbook. Sana kaya kong mag-antay ng matagal para mag-ipon at mabili ka. Hindi yung matututo akong magnakaw makuha ka lang. Sana lang marami kang stock, kaso nag-iisa ka at ikaw yung hindi ko makukuha kailanman dahil hindi mo hinayaang makuha kita.

Ngingiti na lang ako. Maghuhulog ng pera kada araw sa piggy bank ko, aantayin ko na lang ang susunod na labas ng Macbook, yung hindi ikaw pero yung makukuha ko hindi dahil inagaw ko. Sana iregalo niya na lang yung sarili niya sa akin. Yung magiging akin kahit di ako maging snatcher. Yung magiging akin kasi kahit anong pilit ng iba, ako yung gusto niya at ako yung mahal niya.

3 comments:

  1. muntik ka lang maging snatcher dahil tama ka, hindi mo naman ginawa. pero sa tingin ko kung sakali mang itinuloy mo, hindi rin 'snatcher' ang itatawag sayo dahil di mo magagawa yun ng hindi siya sasama. maaaring di ka nga maging masaya dahil may konsensya ka. para sa nawalan, ika'y isang magnanakaw at alam mong hindi maganda ang magiging pakiramdam. pero uulitin ko, hindi naman mapapasaiyo kung hindi rin sasama.

    kung ikay nanghimasok at nanguha ng loob ng sinasadya sa pagkakataong mahina siya, hindi snatcher pero isang 'mapagsamantala'. kung mahumaling siya sa kung anumang naipaparamdam mo sa kanya, maaaring yun talaga kasi ang hanap nyat nataon lang na nauna yung isa. ngunit kung sa pagkahumaling nyay magsisi at magbago din naman sa huli, paniguradong hindi talaga 'ikaw' kundi napupunuan mo lang ang puwang sa puso na hindi maibigay sa kanya.

    lahat naman yan sugal. may kinakasama siya o wala, malalaman mo lang lahat pag andun ka na. pero dahil mabuti kang tao, hindi mo ginustong may masaktang iba. pero kung sakali mang nagustuhan pero pinigilan nya na hagkan ang halimuyak ng hanging dala mo, isa nga siyang macbook na karapatdapat pagipunan. yun nga lang, dapat mong antabayanan. kasi kung ibenta man siya ng may arit makita ng ibay mabili rin agad, siguradong... kaboom! sa dibdib moy dadaan. kaya ang masasabi ko lang ay ito, ituloy lang ang pagiging mabuting tao. wag manamantala hanggat maaari pero pwedeng umantabay. wag lang umasa masyado nang hindi masaktan.

    kung sakali namang dumating ang oras na gusto mo nang tumalon sa banging madilim, eto ang mga dapat mong isipin:

    1) kung walang sumalo sa akin, kakayanin ko ba ang sakit?
    2) karapatdapat na tao ba ang pinagaalayan?
    3) mabuting tao ba ang maaapakan?
    4) may pakelam ba ako sa taong mababangga? (dahil kung meron, higit na masasaktan ka o mababaliw lang sa konsensya)
    5) makakabangon ba ako kung madurog man pagbagsak?

    maging handa.


    anuman ang desisyon mo at maging kinahinatnan, mabuti man o hindi, ang pinakaimportante lang naman ay ang aral na makukuhat matututunan. naway magamit sa pagpapalakas at pagpapabuti pa lalo ng buong pagkatao.

    ReplyDelete
  2. Ang Tanong Ng Snatcher
    -Kung agawin ba kita, magpapaagaw ka ba? Seryoso.

    Una, pwede naman akong sumagot ng oo.
    pero bakit ba hindi ang isasagot ko?
    Dahil hindi ako sayo. May iba ng nag-mamay-ari
    sa akin. At kung Aagawin mo ako ng
    binigyan kita ng pahintulot, hindi na Snatcher
    ang tawag sayo. Gang member na, at ako ng boss.
    Swendler na tayo. At modus operandi na yun.
    Maling mangagaw ng hindi iyo.
    At maling mag-pa-agaw habang
    alam mong may nag-mamay-ari sayo.

    Pangalawa, bakit ba pwedeng oo?
    Handa akong mag-kasala kasama ka.
    Hablutin mo ako habang nakalingat siya.
    Bakit ba naman ako mag-papaagaw kong
    masaya ako sa kanya. Bakit ko papahirapan
    ang sarili kong manatili sa kanya
    kung sayo naman talaga ako sasaya?
    (Sa pangalawang seyosong sagot na ito
    sa tanong ng snatcher. Ni-minsan hindi
    magiging tamang sagot. Parang pag-mamahal
    kahit ba gaano natin gustong makuha
    yung taong mahal natin, pero may iba na.
    hindi natin gagawin. kasi mali.
    kasi pag dating ng araw, part of you is lost.
    Kasi nakuha mo siya sa hindi tamang paraan.)

    Kaya mas mabuting magpupundo na para sa iba.
    "Maghuhulog ng pera kada araw sa piggy bank ko,
    aantayin ko na lang ang susunod na labas ng Macbook,
    yung hindi ikaw pero yung makukuha ko hindi dahil inagaw ko.
    Sana iregalo niya na lang yung sarili niya sa akin.
    Yung magiging akin kahit di ako maging snatcher.
    Yung magiging akin kasi kahit anong pilit ng iba,
    ako yung gusto niya at ako yung mahal niya."

    ReplyDelete
  3. maganda at meron ka pa ring sense of right and wrong. pero tandaan, sa pangkalahatang mundo, walang batas. ikaw ang gumagawa ng batas mo kasi may konsensya ka and may sense of right & wrong. pero tandaan, hindi lahat ng right ay right, wrong ay wrong.. kahit hindi sa love life. pati sa ibang aspeto. good day ;)

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.