Dito sa station ko, matatagpuan mo ang lahat. Kaya kong ibigay ng bagsak presyo ang gas para sumaya ka. Pwede kitang i-libre sa gas mo, sa totoo lang. Minsan masyado silang umabuso, kaya natuto akong isara ang business na pinaghirapan ko.
Ang lahat dito hindi tumataas. Lahat dito nahuhulog. Sa tamang taong magpapagas sa akin, mahuhulog ako. Sana mahulog na muli ako. Matagal tagal ko na ding isinara ang pagtanggap ng panauhin sa gas station ko. Takot kasi akong malugi. Takot akong maloko at umiyak sa dulo 'pag pinili na nilang magpa-gas sa ibang station. Pero dumating ako sa puntong handa na muli akong pumusta. Handa na ako sa kung ano mang mangyari.
Darating ka na ba? Malapit ka na bang maubusan ng gas? Sana dumating ka na kasi nakangiti na akong muli para yakapin ka. Handa na akong pumirma ng kontrata sayo. Walang lokohan. Seryosong usapan, peksman!
Sa 11.11.11 na ba ang grand opening natin? 'Wag mo akong biguin. Handa na ang kontrata. Handa na ang puso ko. Handa na ang kamay ko para hawakan ka sa panahon na makikilala kita, susunod na kwentong pag-ibig. Sana lang ang susunod, wala ng kasunod. Sana di na tayo malulunod at aahon na magkahiwalay.
Tara na! Malapit ang opening!
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.