Wednesday, September 14, 2011

Ang Makakasagot Nito, Pang-Miss Universe


Tanungin niyo na ako ng Blood Bank at Hematology, huwag lang 'to. Hindi ko din mahanap sa sarili ko yung sagot sa mga 'to.

SA TUMBLR
Paano kung nagmahal ka sa isang taong bawal na mahalin? O paano kung nagmahal ka na bawal ka na niyang mahalin dahil meron ka na? Tatanggapin mo ba siyang mawala para di magkasala? O handa kang magkasala huwag lang siya mawala?

SA AKIN
Pag may iba na, lumayo na. Pag may ibang masasaktan na, hayaan kong ako ang masaktan basta maprotektahan ko pa yun ibang taong madadamay.


Kahapon lang nakarinig na naman ako ng mahal kita. Hindi nakakatuwa. Masakit.

Bakit para akong poste ng Meralco na madaming nakakabit na linya pero ang gulo-gulo? Yung inaabot niya, niyo ako, pinipilit niyong dumikit sa poste ko pero ako mismo hindi niyo isipin. Hindi niyo man lang ako naisip ni minsan. Ang importante masaya ka, masaya kayo. Gustong gusto niyong sumabit sa poste ko, tinanong niyo ba ako kung gusto ko pa kayo sa poste ko? Ginusto ko kayo sa poste ko, pero kayo mismo ang pumili ng ibang poste. Patahimikin niyo ang poste ko. Hindi niyo ba nakikitang tagilid na ang poste ko? Na kahit anong oras, babagsak na ata ako. Na gustuhin ko mang kayanin, sa pagkakataon na 'to, gusto ko lang lumuhod at umiyak.


Kung masasagot mo ang mga tanong na yan, kailangan kong marinig. Kailangan kong makakuha ng sagot para hanggang dulo tumayo pa ng derecho ang poste ko. Kung may sagot ka, i-comment mo. Iwanan mo ako ng email. Padalhan mo ako ng sulat. Itext mo ako. Kahit anong paraan, iparinig mo sa akin yan.


***Gusto ko lang lumaya uli. Next month na lang ulit, break muna kami ng internet.

2 comments:

  1. "Paano kung nagmahal ka sa isang taong bawal na mahalin?
    O paano kung nagmahal ka na bawal ka na niyang mahalin dahil meron ka na?
    Tatanggapin mo ba siyang mawala para di magkasala?
    O handa kang magkasala huwag lang siya mawala?"
    --> Love is everywhere. Hindi mawawala yan.
    Hindi na natin kayang pigilan ang
    sarili natin na wag mag-mahal kahit ba bawal siyang mahalin
    o bawal ka niyang mahalin. Pero pwede mong iwasan
    ang tuksong kakambal na nyan. Kung mahal mo pero meron siyang
    iba, sige mahalin mo lang siya pero wag kang hihingi ng bagay
    na mahihirapan siya at makakasakit ng iba.
    Kung mahal ko siya habang meron akong iba, mali pero hindi
    maiiwasan. hindi ko yun macocontrol. Tao ka, tao siya.
    Pero we walk away from that person para maiwasan ang mas masakit
    at malalim na pagkakasala. Sangayon ako sa sagot na ito:
    "Pag may iba na, lumayo na. Pag may ibang masasaktan na,
    hayaan kong ako ang masaktan basta maprotektahan
    ko pa yun ibang taong madadamay."
    Self control and discipline ang kailagan.
    Para makawala sa sitwasyon karaniwang maraming nagkakasala.

    Bakit para akong poste ng Meralco na madaming
    nakakabit na linya pero ang gulo-gulo?
    Yung inaabot niya, niyo ako, pinipilit niyong
    dumikit sa poste ko pero ako mismo hindi niyo isipin.
    Hindi niyo man lang ako naisip ni minsan.
    Ang importante masaya ka, masaya kayo.
    Gustong gusto niyong sumabit sa poste ko,
    tinanong niyo ba ako kung gusto ko pa kayo sa poste ko?
    Ginusto ko kayo sa poste ko,
    pero kayo mismo ang pumili ng ibang poste.
    Patahimikin niyo ang poste ko.
    Hindi niyo ba nakikitang tagilid na ang poste ko?
    Na kahit anong oras, babagsak na ata ako.
    -> Wala kasing silbi ang linya namin kung
    wala ka. Ang poste mo at ang linya ko magkakambal
    na. Sa ayaw man natin o hindi, tayo ang magkasama.
    Minsan hindi natin napipilin kung saan poste ba
    o ano bang linya ang ikakabit sa atin. Sa poste mo,
    may iligal na linyang kakabit dyan. Sa linya ko,
    may papatid mabenta lang ang tanso ko. May mga bagay
    tayong hindi natin pwedeng tanggihan lalo na kung
    talagang yun ang hatid ng oras. Alam ko hindi mo gusto
    ang linya kong sumabit sayo. Na tutumba na ang poste
    mo sa dami naming sumasabit sayo. Pero pag tumba mo,
    wala na din ang linya ko. Wala ng silbi sa mga
    taong nakikinabang ng kuyenteng hatid natin.

    ReplyDelete
  2. wag ka magalit sa mga linya na yan. pag wala yan, wala kang silbi at ikaliligaya. oo sobra sobra na, pero ganun talaga, poste ka e. maghintay ka lang ng isa pang linyang hahatak pakabila para maitayo ka. kundi man magpakaposte ka pa rin. malakas. matibay. kahit nakatagilid at binabagyo nakatayo pa rin. sakaling bumagsak ka, oo masakit, masusugat ka.pero pakaposte ka lang, kahit nakalapag, matigas at tuwid.

    isa pa pala, ang poste, bingi at walampake-kahit ilang 'mahal kita' ang isigaw, walang naririnig at walang dapat marinig.
    kaya panindigan mong poste ka.



    mahirap pero ganun talaga. poste ka e.

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.