Monday, September 5, 2011

Ang Paglingon

Hindi ako yung taong madalas lumingon. Wala akong stiff neck. Sadyang kada paglingon ko, naiiyak ako. Na kada paglingon ko, gusto kong harapin ang nakaraan. Gusto kong magmura ng malakas. Gusto kong sabihing "Tongue in a!" Itataas ko na sana yun daliri ko kaso sumabay ang tulo ng luha kong walang pakisama. Habang nagpapakatatag ako, bigla 'tong tutulo na grabe pa sa gripo. Buti walang kasamang sipon kasi uunahan ko na nang singhot. Pero ang totoo, nahihirapan akong lumingon, kasi kahit anong lingon ang gawin ko, madami mang tao ang andyan, mas madami mang masasaya akong alaala, natatalo ako 'pag bigla kitang maiisip. Sa paglingon ko, wala ka pa din. Na sa paglingon kong muli, hindi pa din kita matanaw.

Buong loob akong nakaharap. Umaasa na kada araw ang nakikita kong lumipas, 'tong hangin madala ang lahat ng nararamdaman ko. Na sa paglipas ng panahon, buong buo na akong makakaahon. Na handa na akong muli, hindi sa pag-igib ng pag-ibig kundi sa pagbibigay ng pag-ibig. Sige na panahon, lumipas ka na.

1 comment:

  1. Nakatayo lang ako sa harapan nyo e.
    Nakasandal sa poste. Ewan ko.
    Hindi yata pustura ang suot ko.
    Walang kagara-gara, kaya nilagpasan mo ako.
    Hinibol kita ng tingin, a hindi mali.
    Sinundan kita ng tingin. Baka kasi lumingon
    ka. Makita mo na may nag-aabang pala.
    Kaso nawala ka na sa mata ako.
    Hindi ka lumingon. Siguro nga hindi ka
    pa handa. Gusto yung tuloy-tuloy lang,
    swabe..Walang sagabal. Bukas nalang
    ulit. Mag-aabang ako. baka mapansin mo
    na ako o kaya naman paglagpas mo,
    lingonin mo na ako. Posible naman mang-yari
    yun kahit matagal pa yun, alam ko,
    lilingonin mo din ako.

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.