FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Wednesday, September 14, 2011
Ang Magkaibigan Lang
Matagal nang hawak ang 'yong mga kamay
Di maisip kung kailan mauumay
Lambingan ay walang katapusan
Sana'y di na matutong lumisan
Hindi inaasahan, may pag-ibig na kakatok
Magkaibigan na lang ba tayo?
Ako'y iyong pakinggan
Aking kaibigan, mahal kita
Higit pa, higit pa, higit pa sa ating pagkakaibigan
Lagi kang yakap sa aking isipan
Walang humpay ang ating tawanan
Akala'y walang iwanan, aking kaibigan
Hindi inaasahang, may pag-ibig ka ng iba
Magkaibigan na nga lang tayo
Ito'y ibubulong na lang
Mahal kita
Mahal kita
Mahal kita, aking kaibigan
Yung alam mong hindi lang dapat kayo magkaibigan, pero magkaibigan lang kayo. Ang malala pa dun, kung may iba siya pero gusto niyang andyan ka pa din. Gusto niyang lambingin mo pa din siya. Edi sana kasi tayo na lang. Kung ganun lang kadali. Tongue in a lung na pag-ibig!
LYRICS, MUSIC AND SINGER: FO
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
pareho tayo,i fell in love with my bestfriend who has a fiance. yun pala sya din. nagkaaminan kami. 2weeks we had an affair.but i talked to her.sbi ko itigil na habang maaga pat kaya pa.di ko siya pinapili, kahit masakit, nagvolunteer ako na itigil.ayokong magpadala siya sa "cheap thrills" na nakukuha nya sakin at pakawalan ang pangarap nya na guy at pamilya. at magiging masaya ako sinsero para sa kanya kasi kilala ko yung guy, talagang aalagaan siya. at di ko malaman, pero hindi masakit e.maluwag talaga sa loob kot kinikilig pako na naiimagine siyang masaya.but when i think of myself, i cry secretly. kaso bihira ko naman isipin sarili ko pag dating dun. ganun ko siguro sya kamahal na ayaw kong mapunta siya sakin, kasi i want the best for her and im just good but not the best.pinlano ko lumayo ng matagal at ubusin muna ang nararamdaman ko sa kanya dahil alam kong pag nakikita ko pa siya, hindi mawawala at lalala pa yung feelings ko. siya rin sakin. magkita na lang kami and be friends pag di na namin mahal ang isat isa. (kung ang wala nga nadedevelop, ang may feelings pa kaya?) hanggang sa nagdesisyon siya on her own. wala akong expectations at kaba. kaya nagulat ako nung sinabi nya na ang pinili nya ay ako.
ReplyDeletemapapayo ko lang, try mo ginawa ko baka effective din sayo.. kausapin mo. wag mo papiliin. kasi kung makakapili siya, e di sana matagal nya na ginawa, kaso hindi nga. so kung tanggap at kaya mo na, let her go.. make sure na tanggap mo na. kasi mahirap to pag di mo tanggap.. kung di mo rin lang tanggap, wag mo muna subukan kasi masasayang lang oras mo. kelangan pagsinimulan mo, tuloy2 na. iwasan mo siya lahat ng konekta sa kanya iwas totally.. para makapagisip din siya.. "pano hahanapin ang laging nandyan?" ang mali sa pagiging andyan, di mo siya binibigyan ng time na makapagrefelct kung ano ka sa kanya. dapat makita niyang pwede ka mawala. "making someone feel dispensable makes you indispensable" :) pag di nya matagalan na wala ka, pipiliin ka niya at ikaw lang. pag di ka hinabol, at least u have your pride. regalo mo na sa sarili mo yun.. the least u can do para sa sarili mong hinahayaan mong masaktan :)
sana makatulong :)