Tuesday, September 13, 2011

Ang Taong Iyong Pinalampas


Sa buhay mo, makakatagpo ka ng madaming tao. Sa mga yun, may mga taong sadyang tatatak sa buhay mo. Yung mga taong nagbahagi sa buhay mo ng bagay na espesyal, yung mga taong laging may parte sa buhay mo ano man ang gawin mo. Yung taong una mong nahalikan, yung una mong minahal, yun una mong isinuko ang bandera ng pagkababae mo, yung taong sinaktan ka binigay mo man ang mundo, yung taong kasama mo ngayon at... yung taong iyong pinalampas.

Sino yung taong iyong pinalampas? Malamang, siya yun taong sa inyong dalawa, lahat distinggido, lahat swak na swak, lahat perpekto, mali lang ang pagkakataon. Walang mali sa taong yun, mas lalong walang mali sa chemistry niyo, walang mali sa inyong dalawa na magkasama, hindi lang naging tama ang ihip ng hangin. At natangay siya ng hangin na hindi mo man lang siya nahawakan ng mabuti, nabitawan mo siya, siya yung pinalampas mo, yun ang palagay ko.


Naniniwala ako na ang pakikipagrelasyon at yung itatagal ng relasyon niyo, hindi lang naka-base sa inyo. Malaking parte nito, may kinalaman sa tamang pagkakataon. Yung pagkakataon na handa ka na magseryoso at ipagkatiwala ang lahat dun sa taong yun. Ito yung tamang timing.


Kapag hindi ka pa handa na makipagrelasyon ng seryoso, kahit sino pa ang karelasyon mo, hindi lang talaga yan magwowork. Maliliit na problema, magiging malaki. Hindi dahil ikaw at yung taong yun ay hindi para sa isa’t isa; sadyang hindi pa lang tamang oras, at yung maliliit na bagay yung magpapatunay ng bwisit na katotohanang ‘to.


Tapos isang araw, handa ka na. Handang handa ka na talaga. Kapag nangyari ‘to, kakayanin mo nang seryosohin yung isang tao. Pwedeng hindi siya yung taong perpekto, dahil wala naman talagang perpekto. Pwedeng hindi din siya yun taong una mo palang na nakilala, masasabi mong “siya na”, pero dahil handa ka na, magwowowrk yan. Magwowork dahil tama ang timing at gugustuhin mong magwork ‘to ngayon.


Darating yung araw na may sense na lahat ng bagay, at nakita mong nagbago ka na. Iba na ang bagay-bagay, iba na yung pagtanggap mo sa mga bagay na ito, sa wakas, kuhang kuha mo na kung sino ka, kung ano ang gusto mo at sa pagkakataon na ‘to, handa ka na dahil tama na ang timing. Pero walang may alam kailan darating ang ganitong panahon. Sana single ka, pero pwede ka din na nasa matagal na relasyon, pwedeng may asawa ka na at may mga anak na kayo.


Hindi mo alam kailan ka magiging handa, ang alam mo lang, nagbago ka, at sa hindi mo malamang rason, yung taong pinalampas mo, yun yung taong una mong maiisip. Yung taong pinalampas mo, siya yun pag-ibig na sana hanggang ngayon nandyan pa, siya yun hinihiling mo pa din, yun taong yun yung iniisip mo habang binabasa mo 'to. Maiisip mo siya dahil magtataka ka, “Paano kung nandito siya ngayon?” Mapapaisip ka, “Paano kung kami pa ngayon, sa kung ano ako sa kasalukuyan at hindi kung ano ako noon?” Yan yung taong pinalampas mo. Siya yun pinakamalaking “Paano kung?” sa buhay mo.


Kung kasal ka na o siya naman yung kasal, tanggapin mo ang katotohanan na yung taong pinalampas mo, napalampas mo na. At sa kamalas malasan, yung pag-asa, malabo na. Pero kung hindi pa, ibang usapan na yan.


Anong gagawin mo kung hindi pa huli ang lahat? Simple lang yan! Hanapin mo siya. Galugarin mo na ang mundo, makasama lang siyang muli. Kasi yung mismong pag-iisip mo nung “taong pinalampas mo”, buong buhay kang mapapaisip, paano kung hindi mo siya pinalampas?


Ayain mo ng kape, o magmovie kayo, o mag-jogging kayo, hindi na mahalaga kung anong date pa yan. Magugulat ka na lang, na kung siya yung “taong iyong pinalampas” baka ikaw din yung “taong kanyang pinalampas.”


Para ka mang kabute, na bigla na lang tutubo kung saan muli sa buhay niya, ngunit walang magbabago. Kung ito na ang tamang timing, sadyang magiging tama na din ang lahat at, para sa akin, magiging masarap na pakiramdam, na sa huli, masasabi mong, “Uy ikaw! Ikaw na yun muntik kong pinalampas.”


**Inspired by: MJM

1 comment:

  1. Minsan may mga tao tayong pinalalampas.
    Hindi dahil hindi siya swak sa buhay mo.
    Hindi dahil hindi kayo parehas ng nararamdaman
    para sa isa't - isa. Nasaktohan lang na
    hindi akma ang oras para sa inyong dalawa.
    Na kahit ba mala pelikula ang kwento niyong dalawa.
    At perpekto ang eksena kahit maraming aberya.
    Na kahit pa alam niyong malapit ng matapos
    ang eksena niyong dalawa nagawa niyo pa ding
    maging masaya. Ang pagpapalagpas natin sa isang
    tao, parang pag-aalaga lang na isang puno.
    Na kahit gaano na kalalim ang ugat nito, kung
    hindi pa hinog ang bungga niya, hindi pa natin
    pwedeng pitasin. Pag pinilit natin, may posibilidad
    na hindi magandan ang kakalabasan. Kailangan,
    hintayin natin siyang mahinog para sa pag pitas
    natin nito, swak sa panlasa ng mga tao.
    Pinalalampas natin sila dahil 'Hindi tama o Hindi
    pwede." Hindi pwede dahil may iba siya. Hindi pwede
    dahil may iba ako. hindi pwede kasi ayaw ko. Hindi
    pwede kasi ayaw niya. Hindi pwede kasi ayaw nila
    mama at papa. Pag-pinilit, hindi na siya tama.
    Kahit ba alam niyong wala naman talagang mali
    o tama sa nararamdaman niyong dalawa. Kailangan
    palagpasin niyo ang isa't - isa. Darating din naman
    na magkikita kayong dalawa at hika nya ni OPMACO,
    posibleng masabi mo o niya yung mga salitang,
    “Uy ikaw! Ikaw na yun muntik kong pinalampas.”

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.