Tuesday, September 6, 2011

Ang Hotel Na Puso


Ang pag-ibig, hindi lang kabig ng bibig. Hindi din biglang kumakabig 'pag di na masaya, 'pag may makilalang iba.

Ang pag-ibig, hindi iniigib. Hindi din hinihingi. Kusang binibigay yan.

Ang pag-ibig ay parang RICO. Minsan Blanco. Minsan Puno. At minsan din, Yan na pala.

Ang pag-ibig nandyan lang. Kapag umibig ka sa isang tao, hindi mawawala yan. Hindi din biglang maglalaho na parang utot na mabaho. Habambuhay mong bitbit ang lugar niya. Minsan lang nababawasan dahil meron kang pinapangalagaan. Meron kang mas pinapahalagahan sa kasalukuyan. Pero kahit anong gawin mo, ang puso mo, parang hotel. Na pag may pinapasok ka, lumabas man siya sa pinto, buong buhay na nakareserba sa kanya ang lugar na yun sa puso mo.

Kaya ingat ka. Alagaan mo ang hotel mo. Ilaan mo yan, hindi sa lahat ng tao. 'Wag kang mabilis mahulog, magugulat ka, punong puno na ang hotel mo, baka yun taong para sayo, hindi mo na mabigyan ng lugar sa hotel mo. Siguraduhin mo na ang Presidential suite, para lang sa taong pipiliin mong mahalin at pangalagaan habambuhay.

1 comment:

  1. Ang hotel ko open para sa lahat ng tao.
    Iba't ibang tao na ang nagtungo dito.
    May isang gabi lang. Panandalian at
    May nagtagal din naman. Pero ganoon pa
    man, lahat sila lumisan. Hindi naman natin
    yun maiiwasan, hindi sila pwedeng pigilan.
    May mangilan-ngilan na bumalik para bumisita
    at tinatangap ko naman sila. Ang hotel ko,
    hindi ko pinagdadamot. Kahit walang bayad,
    pero kang mag-stay. Pero ni-minsan sa dami
    ng nagdaan, walang naka pasok sa aking
    Presedential Suite. Nakalaan lang kasi ito
    sa isang espesyal na tao. Ganon naman talaga
    ang may-ari ng hotel di ba? Nag-eentertain
    ng guest pero ang special na kwarto sa kanyang
    hotel nakalaan lang para sa kanyang espesyal na
    taong hinihintay. Yung lahat ng kailagan ng espesyal
    na taong yun, hindi na kailagan itawag sa
    chambermaid/room service. Kasi lahat ng
    kailagan niya nandoon na. Ang kailagan na lang
    ma-enjoy niya ang inihanda ko para sa kanya.

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.