Naglakbay ako kasama ka. Naglakbay ako kahit maputik ang daan, kahit wala akong tsinelas. Sinamahan kita kahit alam kong puso ko ang pinupusta ko. Akala ko kasi di 'to laro, na di ka naglalaro. Pero tama nga siguro sila, rebound ako, reserba pa. Nalingap lang sandali, siya na naman ang 'yong pinili na kay dali. Lalayo na ako't sa inyo'y di sasali. Paunti-unting lumalayo. Tinatahak ang daang sa inyo'y malayo. Ang byahe ma'y di magiging 'sing bilis ng sa kabayo, ayos lang kasi ang puso ko nama'y binabagyo.
Ngayon, ako'y nagpapalinis ng paa. Ang daming putik ng 'yong alaala ang nadala. Sinusubukan kong ipaalis, dahan-dahan kong tinatanggal. Ngayon ko nga lang napansing muli ang mga paa ko. Napuno na pala ng kalyo dahil sayo. Wag kang mag-alala, siya man ang pinili mo, di na tatagos yan. Magmamanhid lang ako sa kapal nito.
Nga pala, bago mamaalam ng tuluyan, may kailangan akong ipahayag. Sa kapal man ng kalyo ko sa byahe natin, mas makapal pa dun ang nararamdaman ko.
Mahal kita. Hinintay lang kitang maunang magsabi. Mahal kita pero mahal mo siya. Mahal kita kaya ayokong mahirapan ka pa, ngayong sa unang pagkakataon pumili ka na, naging malinaw ang lahat sa akin. Mahal mo talaga siya kaya siya na naman ang pinili mo. Mahal kita, kaya lalayo na.
BYE, Evan!
***Lilipas din 'to. Kaya akong ayusin ng panahon. Dadatng ako sa puntong mawawala 'tong nararamdaman ko. Dadating ako sa puntong tatawanan ko ang kalyong 'to. Pero sa ngayon, dadamdamin ko muna lahat.
Nakinig ako sa musika. Nagulat ako na musika din pala ito ng damdamin ko. Sinulat ko ang mga tutumbas sa nararamdaman ko. Kasabay sa himig at tempo, ang aking pagsulat. Ang drama. Pati nga ang langit kasama kong magdrama. Simula ng araw na yun, sinamahan ako ng langit sa pagtangis. Kahit wala ka na, may langit na natira.LET IT GO. Never leave, pls. LIL' LOST HERE. Let's try and take it back. KAY BILIS NAMAN MAGSAWA NG PUSO MO. Dahan dahan mong bitawan puso kong di makalaban. I MISS YOU. Love?. DI NA AASA. At kung hindi man para sa akin ang inalay mong pag-ibig ay di na rin aasa pa na muling mahahagkan. NO CHOICE BUT TO WALK AWAY. Don't we know parting is never so easy. I'M ALL CHOKED UP AND YOU'RE OKAY. Ok lang. STAY. True love is once in a lifetime. FOREVER YOU'RE IN MY ♥. Unti-unti na lang sanang nawala. MAYBE IT'S WRONG TO SAY PLEASE LOVE ME TOO. Walang patutunguhan kahit sabihin kong mahal kita. WHY AREN'T YOU HERE WITH ME?. Someday we'll know, why I wasn't meant for you.Kaso sa dulo nung kanta.... SOMEDAY YOU'LL KNOW THAT I WAS THE ONE FOR YOU.Sige na langit, susubukang huling araw na 'to ng pagtangis. Naaawa na din ako sa lagi mong pag-iyak. Huling pagbugso ng bagyo para sa atin. Sana matapos na, hindi ang kanta, hindi lalo ang pag-asa. Sana matapos lang ang pagbugso ng bagyo dahil sumasabay ang aking damdamin. Huling birada na, pangako.
** Bagyo, tumitila ka. Kalungkutan, matatapos ka.
1Ikaw sami'y malaking kawalan,
Kaya puso ngayo'y parang kalan
Na mas mainit pa sa halalan,
Pag-iyak ay mahirap tigilan.
2Madaming importanteng salita,
Na talo pa ang mga balita,
Ang payo mo sa'ming mga bata,
Higit ka pa sa isang makata.
3Panahon mo ngayon ay sumapit.
Ikaw ay wala na sa malapit.
Kami pa din sayo ay kakapit,
Na parang ikaw pa di'y kay lapit.
4Ika'y sa puso'y magandang lamat, Na buong buhay kami'y may amats. Sa ami'y ika'y isang alamat, Kaya handog ay pasasalamat. **Para kay "JCR" Mrs. Josephine Cojuangco Reyes. Salamat sa magandang speech na narinig ko nung graduation ng batch '11 nitong April. RIP Ma'am.
Humiling ako sa langit. Ikaw ang hiling ko sa langit. Kaso mukhang magiging malabo na tayo. 7:50pm na, deadline ko 10:00pm. Hindi na nga ata tayo magkakaabot. Akala ko kasi ang hiling ko'y parang auto. Yung alam kong kakayanin kong abutin, yun kakayanin kong pag-ipunan. Naalala ko, buhay kasama ka yung hiling ko.Kung hindi man tayo umabot sa panahon na 'to, sana sa ibang mundo, may dalawang katulad natin na pinagtagpo at hindi magkakalayo. Kahit sa ibang mundo, yung byahe ng auto ng hiling ko, sana kayanin ang byahe. Sana yung byahe na yun, ako at ikaw, yun katulad natin na hindi na paglalayuin ng tadhana. Sana yung hiling ko, doon sa mundo nila, hindi iiling. Sana sa mundo nila, walang humpay ang lambing.Maagang paalam, maagang paglaya. Maagang pagbabalik, maagang kasiyahan. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Hindi ko alam kung aabot pa ang signs ko. Pagbigyan niyo na lang po ako, isang hiling na lang Lord, sana mas sasaya siya kung ano mang kalabasan.♥**Pagbigyan mo na ako. Kung di mo kakayaning bigyan ako ng parte sa tabi mo, pangako mong masaya ka dyan.
Madami nang dumaan sa akin at ako'y pinitas. Pero sa huli, ihuhulog akong muli sa lupa. Pinilit kong muling tumubo. Pinilit kong maging mas magandang bulaklak. Pinatibay ako ng panahon, pinaganda ako ng pagkakataon. Nalampasan ko lahat ng 'yun, ito na ako ngayon.Akala ko pipitasin mo na akong muli, handa naman na ako. Akala ko itatabi mo na ako, nagkamali pala ako. Ako yung bulaklak na pinag-aantay mo. Ibinulong mo sa hangin na baka bukas sira na ang bulaklak na matagal mong itinago. Ilulugar mo ako sa buhay mo para pamalit sa lugar niya. Hindi ko kayang ipilit ang sarili ko sayo.Mas madali ang paalam, kahit ito'y malamlam. Mas maayos na ang lugar ko sa buhay mo'y aking alam. Hindi ito masaya pero kailangang mamaalam.