Wednesday, July 27, 2011

Ang Bulaklak Na Pinag-aantay


Madami nang dumaan sa akin at ako'y pinitas. Pero sa huli, ihuhulog akong muli sa lupa. Pinilit kong muling tumubo. Pinilit kong maging mas magandang bulaklak. Pinatibay ako ng panahon, pinaganda ako ng pagkakataon. Nalampasan ko lahat ng 'yun, ito na ako ngayon.

Akala ko pipitasin mo na akong muli, handa naman na ako. Akala ko itatabi mo na ako, nagkamali pala ako. Ako yung bulaklak na pinag-aantay mo. Ibinulong mo sa hangin na baka bukas sira na ang bulaklak na matagal mong itinago. Ilulugar mo ako sa buhay mo para pamalit sa lugar niya. Hindi ko kayang ipilit ang sarili ko sayo.

Mas madali ang paalam, kahit ito'y malamlam. Mas maayos na ang lugar ko sa buhay mo'y aking alam. Hindi ito masaya pero kailangang mamaalam.

1 comment:

  1. Nakaupo lang ako sa banda roon.
    Sa totoo, binabantayan kita.
    Kaso Nalingat ako, napitas ka ng iba.
    Tapos bigla kang binitawan.
    Laking pasalamat ko, napalingon
    ako. Naagapan pa. Itinanim ulit.
    Magmamasid ako sa mga taong
    dumadaan baka kasi bigla ka
    nilang matapakan. Nililinis ko
    ang paligid mo. Palagi kitang
    dinidiligan. Sinusuway ko pa nga
    yung mga batang naglalaro.
    Baka bigla kang pitasin.
    Inaantabayanan ko din ang susunod na
    taong pipitas sayo. Alam ko
    din kasing nag-hihintay ka sa kanya.
    Pero pasensya ka na. Baka siya na ang
    huling hahayaan kong pumitas sayo.
    At pag-nangyari ulit na bigla ka
    iwanan o bitawan. Hindi na ulit kita
    itatanim sa parke na iyon.
    Sa paso na kita ilalagay.
    Doon sa loob ng aking bakuran.

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.