Wednesday, July 6, 2011

Ang Pagdating


Ang tagal kong nalumpo. Ang tagal kong hinayaang daanan ako ng mga tao. Hinayaan lang din naman nila ang wheelchair ko. Binitawan niya ako. Walang naglakas loob na saluhin ako kaya natuto akong paandarin ang gulong nito gamit ang kakaunting lakas na naiwan sa akin. Kaya ko naman. Sanay naman na din ako. Masaya akong malaman na matibay ako, na kaya kong mag-isa. Mapapagod ako, alam ko. Pero hinihiling ko na bago ako mapagod sa pagpapagulong nito, dadating ka. Dadating ka na kaya akong tulungan sa pagpapaandar ng buhay ko. Dadating ka na kaya akong hawakan ng mahigpit, na aabutin ng panghabang buhay. Magiging matibay ako, ipangako mo lang, dadating ka.

1 comment:

  1. Ang tagal kong pinangarap na
    makasama ka sa pag-andar ng buhay mo.
    Ang tagal kong hininitay na
    ako naman ang makasama mo.
    Gustong-gusto ko ng tumawid patungo sayo.
    Kaso lang Hindi kasi ako makalapit e.
    Pakiramdam ko hindi ako pwedeng mag-presenta.
    Baka kasi sabihin mo, kaya mo pa. Hindi mo ako kailagan.
    Saka baka kasi hindi ko din siya mapantayan?
    Pero nandito na ako, sa harap mo. Maaring bang
    pagbigyan mo ako? Ako na muna ang aalalay sayo.
    Para makapagpahinga ka naman.
    Hanggang mawala na ang pagod mo
    at bumalik na ang lakas mo.
    Aalagaan kita at sasamahan
    hanggang sa araw na maka tayo kana ulit.

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.