FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Friday, July 22, 2011
Ang Jeep At Van
Wala nang sakayan dito. Punong puno na ang byahe ng puso ko. Kayang kaya ko ngang bayaran ang amo ko ng boundary buong buhay kasi kumita na ako ng higit pa sa kailangan ko, ng higit pa sa kakayanin kong maubos buong buhay ko. Isang byahe lang, sobra-sobra na. Pero napahinto ako. Pinara mong bigla ang masayang byahe ko. Huminto naman ako. May lugar pa pala sa tabi ko. Bigla kong napansin, sayo lang pala 'to nakareserba. Umupo ka. Hinawakan ko ang kamay mo. Sinamahan mo ako buong byahe ko. Sinamahan mo ako kahit na bumagyo pa, at hindi kinaya ng wiper ko. Hindi mo ako hinayaang mag-isa. Sinamahan mo ako hanggang makagarahe ang jeep ko.
Naglakad tayo. Naglalakad ako kasama ka. Masaya ako, seryoso!
May nakaparada sa banda doon, E van mo naman pala yun. Papasakayin mo ba ako? Kaya kitang samahan sa byahe mo. Di kita iiwan, peksman!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Inaabangan kong dumating ang jeep mo.
ReplyDeleteNaka-limang ikot ka na yata yung
napasin kong may lugar sa tabi mo.
Kaso yung pumara ako, naunahan naman ako.
May umupo na agad. Sa likod sana
kaso puno na. Gustuhin ko man sumabit,
naisip ko wwag na.Baka mahuli ka pa. Hihintayin ko
nalang na maka-ikot ka. Tutal may gas ka pa.
Hindi pa naman tapos ang oras ng iyong ruta.
Makakaikot ka pa ng isa. Kung hindi naman.
Dahil boundary na. Bukas nalang,
mag-aabang na lang ako ulit. Ang problema
lang baka igarahe ka na. Hindi ka na
payagan mag-byahe. Ganoon pa man, Wala
naman hanggan ang bukas. Hindi ako
mawawalan ng pag-asa. Isa araw sa buhay
mo, mamimiss mo ang byahe sa jeep mo.
Papasada ka ulit, sa oras na yun.
Hindi na ako papauna. Manunulak na ako.
Makaupo lang ako sa tabi mo. Kahit isang
ikot lang sa byahe ng buhay mo makasama ako.