"Tongue in a lung: Ang *******" na titulo ng mga blogs ay mga parte ng buhay ko na personal. Yung gusto kong sabihin. Ayokong nasa puso ko lang. Ayokong tumameme. Malayang pagpapahayag nga di ba?
Okay! Simula na!
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Nasa punto ako ng buhay ko na alam ko ang gusto ko. Sabi ko magiging doctor ako. Sa edad na 35 baka makapag-asawa ako. Sa parehong edad na yun, tagumpay na ako. Pero may Doctor na nagsalita sa amin kanina. "You'll be a different person once you started being a doctor." , "Kung makakabalik ako sa panahon, hindi ako nagdoctor. It's not worth it."
Doctor siya at sa kanya ko pa narinig yun. Bigla akong napaisip sa buhay ko. Pero ang halos lahat sa buhay ko, hindi ako sigurado. Ang sigurado ko dalawa lang: May Diyos at pamilya ako, magiging medtech at doctor ako.
Sa buong buhay ko, seryosong wala akong pinangarap. Nung Highschool ako? di ko nga alam kung may mangyayari sa buhay ko. Ako yung taong nabubuhay para kumain, matulog, manood, maligo, tumawa at umiyak. Wala na akong alam na iba. Maloko ako higit pa sa kung anong naiwang kalokohan sa akin ngayon. Madami akong pakulo na ako mismo hindi ko maintindihan bakit ko ginagawa. Gagawin ko lahat ng bagay na gusto ko. At ako yung eksaktong ibig sabihin ng walang hiya at walang patutunguhan. Wala akong pangarap. Di ako natutong mangarap.... noon.
Ito lang ang tangi kong pinangarap. Seryoso! Peksman! Gusto kong maging doctor kasi ang taas ng respeto ng lipunan sa kanila. Yun yung bagay na hindi ko nakuha kasi walang hiya nga ako. Muntik na akong walang patunguhan. Kaya hindi ko na gustong maririnig ulit yung "Batang walang hiyang walang patutunguhan." Kung doctor na ako, kahit walangya pa ako, ang maririnig ko "Walang hiyang Doctor." Walang hiya man ako, pero doctor ako. May pinatunguhan ang buhay ko.
Totoo lang, pag-iniisip ko 'to ngayon naiiyak ako. Isipin mo, yung batang walang patutunguhan, walang pangarap, ito na. May pangarap at may kakayahang abutin ang pangarap na yun. May oras na kasama ko nga HS friends ko, "Magmemed ka talaga?" Ngumiti naman ako sabay sabing "Oo!" Yun barkada ko nung HS (Ning, Jed at Mik), nasa kotse kami pauwi galing Tagaytay, alam mo yung alam kong masaya sila para sa akin nung nag-uusap kami ng mga plano namin sa buhay. Si Perfy (Yumol) na higit kanino pa man, sobrang paniniwala sa akin. Uurong pa ba ako? Suportado nila ako e. Pati pamilya ko. Alam ko lalo na si God.
Panghahawakan ko to. Kaya ko 'to, Doc! Nakapagdesisyon na ako. Di ako uurong kapalit man nito ang magkapamilya ako (nandiyan naman sila mama at papa, ako na lang mag-aalaga sa kanila). Di ako uurong kahit ano pa yan. Ito lang pinangarap ko, hindi ko gugustuhing di 'to matupad. Salamat Doc, desidido na ako!
Go Fight, Tamaraw!
ReplyDeleteWOW!
ReplyDelete