Friday, July 1, 2011

Ang Paglalakad



Naglakad ako. Naglalakad ako. Maglalakad ako. Hindi ko lang namalayan na simula pa noon, andyan ka na sa tabi ko. Mali e! ganito pala, hindi ko lang nabigyang pansin na dati pa, sinasamahan mo na ako sa paglakad ko. Kamay pa kasi ng iba ang hawak ko. Patuloy ang paglakad ko pero hindi ka nawala. Binitawan na niya ang kamay ko pero andyan ka pa din, kasama ko. Ngayon, gustong gusto kong hawakan ang kamay mo. Pero meron ka na yatang gustong hawakan na iba. Pinalagpas ko na dati ang kamay na yan dahil humawak ako sa kamay ng iba. Pinalagpas ko na dati ang tyansa ko sayo, ang tyansa natin. Ngayon, magiging matibay ang tuhod ko. Pasensyahan na lang, hahawakan ko ng mahigpit ang kamay mo. Pasensyahan na lang kasi alam kong mas kaya kitang hawakan at hindi saktan. Para sayo, kakapit ako. Sana lang may makapitan ako. Suntok sa buwan pero kakayanin ko, kaysa naman palagpasin ko na naman yang mga kamay na swak sa kamay ko.


Tongue in a lung, maging matibay ka kaibigan.

2 comments:

  1. Ang tagal kong hinintay na mahawakan ng kamay mo.
    Nakakainis! Hindi kasi ako gumawa ng paraan.
    Hindi naman ako torpe. Pero pag dating sayo hindi ko
    lang talaga alam ang tamang diskarte.
    Minsan nga gusto ko ng hawakan ang kamay mo,
    habang wala pa siya sa tabi mo.
    Kaso lang baka magalit ka pag-ika'y aking hawakan.
    Baka sabihin mo, kahit hindi na nya hawak ang kamay mo.
    Wala akong karapatang kawakan ang iyo.
    Minsan sunubukan kong maghanap muna ng iba,
    Baka naman sakaling sumaya ako sa piling nila.
    pero hindi naman umubra. Siguro lang, hindi ka sila.
    Nabigla ako. Hindi ko alam may tyansa pala ako.
    Akala ko kasi noon kahit maliit na pursiyento wala ako sayo.
    Sana pagbigyan mo ako, kahit sandali lang?
    Maglakad muna tayo, pahawak muna ng kamay mo.

    ReplyDelete
  2. Gusto ko hawakan kamay niya. kaso bata baka tapikin ako ng nagmamay-ari na. Oh di naman makita ko lang na may singsing na nakasuot patunay ng pagmamahalan nila.

    Eto tlga siguro gusto ng tadhana. Baka eto na yung sinasabe nilang KARMA.

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.