Sunday, July 10, 2011

Ang Maling Tao


Nakipaglaro ako ng chess sayo. Ipinusta ko pati ang puso ko kahit na di ko na maalala paano maglaro nito. Kinalimutan ko 'to tatlong taon na, pero para sayo, aalalahanin ko. Ipinusta ko maging ang sinabi kong di na muli akong makikipaglaro. Swabe naman nung umpisa. May kasama pang lokohan. Ang saya nga e, akala ko kasi ipinusta mo rin yung puso mo sa laro natin. Akala ko patas 'tong laban. Galaw ko. Galaw mo. Ako, ikaw. Ako na naman, at huli mong galaw, wala. Maling tao yung nadampot mo, kinailangan ko tuloy matalo. Sana di ko na lang nakita. Sana napapikit na lang ako nung panahon na yun. Sana di ko na lang inalala ang patakaran sa larong 'to, edi sana paulit ulit pa tayong makakapaglaro. O kaya, sana nung sinabi ko sayo na gusto kitang kalaro, nalaman ko man lang na ako yung gusto mong kalaro, hindi siya. Binabawi ko na yung puso ko, next time na lang ulit. Sa panahong di ko na ipupusta sayo yung puso ko, makikipaglaro ako uli. Masaya kang kalaro, swerte niya. Malas ko lang siya pa din ang gusto mong kalaro.


Tongue in a lung! Salamat sa beer! Pinalaya mo ako. Next time uli.

2 comments:

  1. beer? tsktsk

    sa susunod kasi bata wagna chess laruin panget yan pagna checkmate ka delikado na laban. Talo ka na. E diba sa larong kanto nga ang Talo papalitan na. ayan tuloy naghanap ng iba. Sa susunod dama na lang mas mahaba laban mas maypag-asa manalo di gaya ng chess puro isip pinapairal. Dama me damahan..haha anu raw? O_O

    ReplyDelete
  2. Nakita kitang naglalaro.
    Gusto na kitang patayuin.
    Ako nalang sana lalaban para sayo.
    Kaso nahiya naman ako.
    Kaya pinanuod na lang kita.
    Baka kasi manalo ka.
    Baka hindi siya sayo umubra.
    Kaso mali ang galaw mo. Na-check ka.
    No moves na. Na-Mate ka na.
    Hindi naman ako nalungkot.
    Natuwa pa nga ako. Paano ba naman.
    Alam ko tatayo ka na.
    May papalit na sayong iba. Mainam!
    Kasi makakapag-laro ka pa ng iba.
    May makakalaro ka pang iba.
    Baka nag-lalaro ka ng baraha?
    Dito sa mesa ko, upo ka muna.
    Kahit walang pusta. Ang gusto ko
    lang naman makalaro ka.

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.