Tuesday, July 12, 2011

Ang Tuldok


Lagi kang sumusulat ng mahahabang talata. Inaayos mo pa nga ang mga salita. Pinapalitan, pinapalalim. Sulat. Bura. Susulat ulit, mali ng spelling sabay lukot. Dudunk para itapon. Ang dami dami mong hinahanap. Madami kang salitang iniipon. Nakalimutan mo yata na handa akong maging parte ng talatang binubuo mo. Ayoko namang mapilitan ka na ilagay ako sa talata ng buhay pag-ibig mo. Kaya ganito na lang, sa kada salita, idagdag mo man o ibawas, kada pangyayari, maganda man o pangit, andito lang ako. Kahit sa dulo lang, ilagay mo ako sa kwento mo. Ilagay mo naman ako sa kwento mo.

Sana kasi kaya kong punuin yang talata mo, kaso hindi mo ako hinahayaan. Oo nga naman. Paano ko mapupuno kung madami kang salitang pagpipilian? Paano ko mapupuno kung ipinipilit ko lang yun sarili ko sayo? Sana maisip mo, hindi naman buong buhay ko ito lang ako. Siguro sa talata mo, ito lang ako. Pero sa talata ng iba, ako yung papel, yung ballpen pati yung kwento.


-Tuldok
PS: Mapapagod din akong maging tuldok lang. 'Pag nawala 'tong nararamdaman ko,
tuloy-tuloy na. Wag mo akong hayaan, gustong gusto kong maging parte ng talata mo.

1 comment:

  1. Sa tuwing nagsusulat ako. Hindi ako alam kong
    paano yun sisimulan ng hindi ikaw ang iniisip ko.
    Higit pa sa kama, kuwit, tandang pananong o tuldok
    ang parte mo sa talatang ginagawa ko. May isang
    istorya akong isinusulat. Pero medyo matatagalan pa
    bago ko yun matapos. Nasa kalagitnaan pa lang ako,
    parang napapahinto na nga ako. Pero hindi, tatapusin
    ko. Para pag-binasa mo, mamalalaman mo na ikaw
    ang kwento ng buhay ko.

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.