Thursday, July 28, 2011

Ang Hiling


Humiling ako sa langit. Ikaw ang hiling ko sa langit. Kaso mukhang magiging malabo na tayo. 7:50pm na, deadline ko 10:00pm. Hindi na nga ata tayo magkakaabot. Akala ko kasi ang hiling ko'y parang auto. Yung alam kong kakayanin kong abutin, yun kakayanin kong pag-ipunan. Naalala ko, buhay kasama ka yung hiling ko.

Kung hindi man tayo umabot sa panahon na 'to, sana sa ibang mundo, may dalawang katulad natin na pinagtagpo at hindi magkakalayo. Kahit sa ibang mundo, yung byahe ng auto ng hiling ko, sana kayanin ang byahe. Sana yung byahe na yun, ako at ikaw, yun katulad natin na hindi na paglalayuin ng tadhana. Sana yung hiling ko, doon sa mundo nila, hindi iiling. Sana sa mundo nila, walang humpay ang lambing.

Maagang paalam, maagang paglaya. Maagang pagbabalik, maagang kasiyahan. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Hindi ko alam kung aabot pa ang signs ko.

Pagbigyan niyo na lang po ako, isang hiling na lang Lord, sana mas sasaya siya kung ano mang kalabasan.



**Pagbigyan mo na ako. Kung di mo kakayaning bigyan ako ng parte sa tabi mo, pangako mong masaya ka dyan.

1 comment:

  1. Hindi na yata siya bibiyahe.
    Mukhang sapat na ang kanyang kinita.
    Kaya hindi na siya nagpapasakay.
    At mukhang balak na niyang gumarahe.
    Nakita kita, nagmamadali.
    Muntikan ka pang madapa.
    Mukhang binabalak mo sa kanyang makasakay.
    Kaso lang biglang nilagay niya
    NOT FOR HIRE. Nalungkot ka.
    Nakauko, tahimik at Naglakad
    patawid sa kabilang kalsada.
    Buti nalang may U-TURN slot.
    Masusundan kita. Papasakayin
    muna kita sa aking kakarag-karag
    na toyota. Hindi ito for hire
    pero ang upuan sa tabi ko,
    sayo lang nakareserba.

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.