Friday, July 8, 2011

Ang Libro Ng Pag-ibig


Natatakot akong matulad ang ngayon sa libro ng pag-ibig ko kahapon. Binigay ko ang lahat ng kaya ko. Pati ang pag-ibig na para sa sarili ko, binigay ko sa kanya. Pero hindi kailanman naging sapat yun. Binuno ko ng taon taon, pero natabunan ako sa iilang oras lang. Nagtapos kami. Natapos ang libro namin. Sinara niya.

Tatlong matagal na taon, ito ako. Higit pa sa buo. Higit pa sa masaya. Higit pa sa inakala ko. Naghilom ako. Nakapagpatawad. Naisara ko rin ang libro namin, sa wakas. Hiling ko lang, hindi na muling magbukas ang libro ng pag-ibig para sa akin. Masaya ako. Buo ako. Nabubuo ako dahil meron akong Diyos, pamiya at mga kaibigan.

Pero bakit may hawak kang ballpen? Sigurado ka bang sisimulan natin ang istorya ng libro natin? Seryoso ka ba? Ang hirap mo kasing basahin. Ang hirap malaman kung kakayanin mong maneryoso sa pagsulat nito. Baka kasi sa gitna ng pagsulat natin ng libro ng pag-ibig natin, doodle lang pala ang gusto mong gawin. Wag naman. Wag naman sana.

3 comments:

  1. minsan kahit na pilitin mong uminit ang damdamin di siya susunod at di maglalambing.

    ReplyDelete
  2. Handa ako at sigurado. Hindi ko lang alam ko hahayaan mo ako.
    Baka naman din kasi hindi ka handa para sa mga pahinang
    ninanais kong buohin kasama ka?..
    Alam mo ba Minsan sinabi ko sa sarili ko,
    Isang beses sa buhay mo.
    Maisusulat mo ang pangalan ko sa iyong libro.
    Hindi man libro ng buhay nating magsama,
    pero libro ng buhay mo ng minsan mo akong nakasama.
    Gusto kong sabihin sayo na.. ako na lang sana.
    Ako na lang kasi yung tinta ng aking ballpen,
    hinding-hindi ka bibiguin. Hindi naman ito
    susulat at iiwanan ka ng isang pahinang walang saysay.
    Bawat pahina nito, kwento ng makulay kong buhay kasama mo.

    ReplyDelete
  3. Kung mayroon mang nagtatangkang humawak ng ballpen para magsulat ng bagong kuwento, bigyan mo siya ng pagkakataon. Tandaan mo, ibang libro na to. Lahat ng aklat magkakaiba. Pero siyempre huwag mong hayaan na mag isa siyang magsulat, dapat kayong dalawa, para kung umabot man sa puntong magtatapos na ang kuwento, pwede mong sabihin, kung ang Harry Potter nga ang hanggang book 7, edi pagkatapos nito, gawa tayo ng book 2. :)

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.