Tuesday, July 12, 2011

Ang Maling Kapares


Kapwa tayo tsinelas, ginawa para magkaron ng kapares hanggang sa tayo'y maupod. Nag-iisa ako, nakita mo naman, diba? Akala ko kasi nag-iisa ka din, sinamahan tuloy kita. Nabanggit ko pa man ding gusto kita, nagkamali pala ako na sabihin yun. Nahanap mo na pala siya. Wag mo akong ipitin dahil hindi ka sigurado sa nararamdaman mo. Nasisiyahan ka lang siguro sa bago kong swelas, matagal ko kasing hindi inilakad 'to, tatlong matagal na taon. Masaya ka lang sa akin, natatawa ka lang sa akin, pero kakayanin mo naman na wala ako. Gusto kita, seryosong gusto kita, pero ngayon, mas gusto kong matutong lumakad papalayo na sayo. Gusto kita pero hindi ibig sabihin mauupod 'tong swelas ko sa kakaasa sayo. Gustong gusto na kitang iwan mag-isa. Ayokong umasa, lalo na pag alam kong walang pag-asa. Nahihirapan na kasi akong umasa, mas nahihirapan akong hindi umasa. Palayain mo naman ako. Ayokong umabot sa punto na upod na upod ako saka mo hihilingin na ako na yun lumayo sayo kasi, sa wakas, masaya ka na uli sa kanya. Na hindi mo na kailangan yun pagpapasaya ko. Na kahit havaianas pa ako, alam kong itatapon mo ako pag masaya ka na muling lumakad kasama siya. Nagkamali ako ng timing. Nagkamali din ang panahon na kung kailan handa na ang swelas ko sa bagong paglalakbay, yung sayo naman ang hindi. Malamang, hindi lang talaga swak ang swelas natin. Kapares kita. Yun nga lang, maling kapares.

1 comment:

  1. Natatandaan ko pa noon. Kasama ko ang kuya ko
    manuod ng sine palabas "Hanggang ngayon".
    Sabi ko ang badoy. Wala naman akong choice
    kasi free ticket. Pero paglabas ko ng sinehan,
    okay naman. May natutunan. Isang linya ang
    tumatak sa isip ko. Ang Pag-ibig daw ay parang tsinelas.
    Kailangan ng kapares. Pag nahanap mo na ang tsinelas
    ng buhay mo. Wala ka na daw hahanapin pa.
    Naniniwala ako doon. Naniniwala ako na isa ako sa tsinelas na
    mapipili mo. Sa panahon na maiisip mo na hindi pala
    siya ang kapares mo. Kundi ako. Isang luma at walang tatak
    na tsinelas lang ako. Hindi matingkad ang kulay at disenyo.
    Hindi nabibili sa mall at hindi mamahalin ang presyo.
    Isang uri lang ako ng ordinaryong tsinelas,
    nilalagpasan. Hindi hinihintuan. Pero okay lang.
    Hindi ko hanggad mapili ng iba. Kaya nga nagkukubli
    ako sa isang tabi. Ang gusto kasi, sayo ako mapunta.
    Alam ko sayo lang ako mas makakaroon ng kwenta.
    Alam mo ba ang swelas ko ipinatibay ko para sa paglalakbay
    mo. Para kahit papano, pag ako na ang napulot mo.
    Magtatagal ang pagsasama natin. Masasabayan kita
    kahit ganoon kalayong lakaran at sa kahit ganoon kahabang
    takbuhan.

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.