Monday, July 25, 2011

Ang Paglubog Ng Araw

Tinahak ko ang lugar kung na saan ang puso ko - yun islang yun, isla don. E van lang ang gamit ko. Sinuong ko sa tubig ang sasakyan ko. Lalong kumaragkarag. Yan tuloy, inabutan ng paglubog ng araw. Inabutan tuloy ako ng pamamaalam. Ang masama pa nito, natuto naman akong humabol sayo pag-ibig, inalagaan nga kita e, may mahal ka lang kasing iba. Ang pag-ibig para sa dalawang tao lang, nawalan tuloy ako ng lugar sa isla mo. Sige, sa susunod na adventure, eroplano na ang gagamitin ko para mas madaling kumawala sa anino mo. Wag kang mag-alala, sobrang puno na ng isla mo, hindi naman ako maglalanding, sisilipin lang kita paminsan minsan.

Ngayon, swak na ako dito sa tubig. Gusto ko din malunod sa emosyon ngayon. Sana nga may maghagis ng salbabida para maligtas ako mula sa papalubog kong sasakyan. O kaya sana ikaw mismo, sagipin mo ako. Marunong akong lumangoy pero di ko pa nasubukang lumangoy ng may mabigat na puso. Buhatin mo 'tong puso kong pinabigat mo, kahit ngayon lang.

1 comment:

  1. Habang naglalakad ako. Sa isang malawak at mahabang
    daan. May isang sasakyang huminto at ninais akong
    isabay. Hindi ko alam kong hindi ako nag-iisip.
    kasi tinangihan ko. Mas mabilis sana akong makaka-
    rating sa paparoonan ko. Naisip ko kasi mas magandang
    mag-lakad. Mas marami akong makaka-sa lamuhang tao.
    Kahit na ang hanggad ko ay makarating
    sa lugar mo. Sa totoo lang, tumakbo naman ako.
    hinabol ko ang sasakyan mo. Hindi ko lang inabot,
    inter-section kasi biglang nag-go yung kabilang
    linya. Napahinto ako, kasi panay ang busina nila.
    Akala ko nga hihinto ka. Kaso hindi. Nagmamadali ka
    din kasi. Tulad ko, may sinusundan ka yata.
    Ilang libong kilometro na ang layo mo sa akin,
    hindi na yata kita maabutang mag-isa? Baka pag-dating
    ko, kayo ng dalawa. E ano naman?Hindi naman yun ang
    nais ko. Ang gusto ko lang masilip ang mundong
    ginagawalan mo. Madungaw ko ang ngiti mo.
    Masulyapan ang maaliwalas mong mukha.
    Ikaw ang dahilan kong bakit gusto kong mag-lakbay
    ng nag-lalakad. Hindi ko alam, basta ang alam ko
    Makakarating din ako, kung saan ka nakaparoon.
    Kahit ba nasa tubig, sa dalampasigan
    o kahit nasa bundok ka. Abutin man ako ng dapit-hapon.
    Kahit buwan nalang ang aking ilaw. Matagal man,
    mararating ko din ang lugar mo. Makikita din kita.

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.