Friday, July 1, 2011

Ang Bandalismo


Isa akong maayos na upuan. Matagal hinubog para maging handa sa takbo ng buhay. Hinanda ako para maupuan. Handang handa akong sabayan ang buhay. Pero kahit kailan, hindi ako hinandang maupuan mo at maglalagay ka ng malaking bakas sa buhay ko. Hindi ko alam pero ginusto ko ang tatak na ginawa mo sa akin. Halos isang linggo mo rin akong inupuan, tinapos mo pa yung marka mo sa akin. Kaso matapos yun, natuto kang tumayo mula sa akin. Hindi mo ako nilingon. Hindi mo na ako muling inupuan. Ito ako, naiwanan ng iyong bakas. Sana yung susunod na uupo sa buhay ko, hindi lang magdadala ng bakas sa buhay ko. Sana siya na yung magbibigay ng bandalismo sa akin buong buhay ko. Yung taong hinding hindi matututong magsawa sa pag-ukit ng alaala kasama ko.

1 comment:

  1. Sa araw-araw wala akong ibang ginagawa
    kundi ang bisitahin ka.
    Tignan kung mababakante ka na ba?
    O baka naman nandyan pa siya?
    Lagi kasi niya akong nauunahan
    sa iyong magandang upuan.
    Hindi ako makadiskarte
    kahit ba maraming upuan sa parke.
    At pinapaupo na ako ng ale.
    Panay pa rin ang aking pag-tangi.
    Umaasa kasi ako. Isang araw tatayo siya.
    At sa oras na yun, ako naman ay pupwesto na.
    Paupo muna ako ha? Hindi man ako siya,
    hindi naman kita basta iiwanan ng marka.
    Ang gusto ko lang naman kasi ang makasama ka.

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.