FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Thursday, June 30, 2011
Ang Pagkakataong Makaparada
Ang tagal tagal ko na ding naglalakbay. Matagal tagal kong nilagpasan ang pag-ibig, nasaktan kasi ako nung huling bumunggo sa akin. Yun tipong nagmarka talaga na akala ko habang buhay. Kaya naninigurado akong may malaking espasyo pang namamagitan sa akin mula sa kanila. Pero ang byahe ko, mukhang humahanap na ng espasyo sa tabi mo. Malas ko lang, no parking na pala. Nahuli pala ako. Nahuli nga ba ako? Sige, byabyahe na naman ako. Ang pagkakaiba lang, nitong sayo at sa akin, nitong byaheng to, ni hindi tayo mabigyan ng tyansang magkabungguan. Sana sa susunod na makadaan ako, pwede kong iparada ang byahe ng buhay pag-ibig ko sayo. Sa oras na yun, papangalagaan ko yung pagparada natin. Sana sa pagkakataon na yun, may pagkakataon na tayo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hindi ko akalain ikaw pala yung kasunod.
ReplyDeleteMatagal-tagal na din kasi kitang hinihintay sa tabi ko.
Ang kulit kasi ni manong, nereserba ang espasyong
binabantayan ko para sayo.
Ayon lumagpas ka tuloy at bumyahe.
Paalis na rin ako dito, wala naman halaga ang pag park ko e.
At Baka makalayo ka pa. Kailangan kasunod mo ako.
Wag kang mag-alala hindi ako bubusina,
Para pahintuin ka. Susundan lang kita.
Hanggang mawalan ka ng gasolina.
Para makaparada na ako sa tabi ng sasakyan mo.
Doon ikaw lang at ako, walang bantay na aagaw ng espasyong
hinihintay kong paradahan mo.
Nakakaasar nagpaka petiks ako sa pagdadrive papunta sayo. Pinili kopa dumaan sa Mc Arthur highway kesa mag Nlex dahil alam kong andyan ka lang nag-aayos ng sira ng sasakyan mo.
ReplyDeleteLaki ng pagsisisi ko. Ayan pagdating ko may tumulong na. Sobrang sama ng pakiramdam ko. Hindi kayang pawiin ng french fries at sundae sa drive thru ang kalungkutan ito. =C